Withdrawals

1. Saan ako pwedeng mag-withdraw galing sa RCBC DiskarTech account ko?

Maaari kang bumisita sa mga branch ng Bayad Center para mag-withdraw mula sa iyong RCBC DiskarTech account o sa mga ATM ng RCBC gamit ang cardless withdrawal.

2. May kailangan ba akong dalhin ‘pag nag-withdraw ako sa partners niyo?

Magdala ng isang valid ID at maaaring i-verify ka ulit ng partners namin kapag first time mo mag-withdraw sa kanila.

3. Paano mag-withdraw ng pera galing sa RCBC DiskarTech account ko?

Madali lang magwithdraw!  Sundan lang ang mga step na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Withdraw”.
  • Piliin ang partner channel kung saan ka magwi-withdraw.
  • I-enter ang amount na gustong i-withdraw at pindutin ang “Susunod”.
  • Pagdating sa payout partner, sabihin sa cashier na gusto mong mag-cash out mula sa iyong RCBC DiskarTech account.
  • Ipakita ang reference number sa cashier at i-claim ang pera.
  • Success!

4. Ano ang cardless ATM withdrawal?

Ang cardless ATM withdrawal ay isang feature ng RCBC DiskarTech app that allows users to withdraw cash mula sa savings account nila gamit ang more than 1,500 RCBC ATMs nationwide. Hindi na kailangan ng ATM card para mag-withdraw.

5. Paano mag-cardless ATM withdrawal?

Sundan lang ang steps na ito para mag-withdraw sa RCBC DiskarTech savings account mo. Pwede ring gamitin ang cardless ATM withdrawal para magpadala ng pera sa ibang tao. 

Para mag-withdraw sa sarili mong account:

  • Pindutin ang “Withdraw”.
  • Pindutin ang “Cardless ATM Withdrawal”.
  • Piliin kung magkano ang gustong i-withdraw.
  • I-enter ang one-time password (OTP) na ite-text ng RCBC DiskarTech App sa registered mobile number mo.
  • Ipapakita sa app screen ang iyong reference number.
  • Hintayin ang text galing sa RCBC na may bagong OTP.
  • Pumunta sa isang RCBC ATM.
  • Pindutin ang Enter/Accept sa RCBC ATM at i-input ang reference number at natanggap na bagong OTP para ma-withdraw ang pera mo.

Para magpadala ng pera na kukunin gamit ang cardless ATM withdrawal:

  • Pindutin ang “Transfer”.
  • Pindutin ang “via Cardless ATM Withdrawal”.
  • Piliin kung magkano ang gustong ipadalang pera.
  • Ilagay ang details ng taong gusto mong padalhan.
  • I-enter ang OTP na ite-text ng RCBC DiskarTech App sa registered mobile number mo.
  • Makakatanggap ng text galing RCBC na may reference number at OTP ang taong pinadalhan ng pera.
  • Kailangan lang pumunta ng taong pinadalhan ng pera sa isang RCBC ATM at i-enter ang natanggap na reference number at OTP para ma-withdraw ang pera.

6. Anong ATM ang pwede kong gamitin for cardless withdrawal?

Pwedeng gamitin para sa cardless ATM withdrawal ang alinman sa 1,500 ATMs ng RCBC nationwide.

7. Gaano katagal valid ang reference number para sa cardless ATM withdrawal?

Valid ito for up to 15 minutes kung ikaw ang gagawa ng cardless ATM withdrawal at up to 3 days naman kung ang recipient mo ang gagawa ng cardless ATM withdrawal.

8. Paano kung ‘di nagawa ang cardless ATM withdrawal?

Automatic na mag-e-expire ang cardless ATM withdrawals after 15 minutes kapag hindi na-withdraw ang pera at maki-credit ulit ang value nito sa account mo.

Pwede ring i-cancel ang transaction. Pumunta lang sa Settings at pindutin ang “Pending Withdrawal” at i-click ang “Cancel Transaction”.