Kailangan ng tulong? Magtanong

List of DiskarTech FAQs

Tignan ang mga usually tinatanong na topic.
General Questions
Registration and Verification
Loans Marketplace
Savings
Deposits
Withdrawals
Transfers
Insurance
Bills Payment
Load Purchase
Telemedicine
NegosyanTech Referral Incentive
General Questions

1. What’s DiskarTech? Anong magagawa ko dito?

Ang DiskarTech ay ang unang Taglish super app sa bansa. Isa itong all-in-one super app kung saan pwede kang magbukas ng savings account, mag-deposit at mag-withdraw ng pera sa mga partner channels tulad ng 7-Eleven at Bayad Center, mag-ipon ng pera, mag-transfer ng pera sa ibang ma-DiskarTech, magbayad ng bills, at bumili ng load pati telemedicine products! Abangan ang iba pang exciting features na coming soon na! 

2. Kikita ba ako diyan?

Pwedeng kumita ng hanggang P30,000.00 kada buwan gamit ang DiskarTech. Mag-refer lang ng kakilala at ibigay ang iyong NegosyanTech code. Sa bawat ma-DiskarTech na gagamit nito pang-register at na-verify ang account nila ay may P30.00 ka.

3. Pwede ba ako diyan?

As long as pasok ka sa mga criteria na ito, pwede kang gumamit ng DiskarTech!

  • 18 years old and above
  • Filipino
  • Non-US person (Hindi US resident o citizen)

4. Paano gawing passcode ang password ko?

  • Sa pag-log in mo sa DiskarTech ay automatic kang pakikiusapan ng app na magpalit mula sa password papuntang passcode.
  • Kailangan mo lang magbigay ng four-digit na passcode at i-confirm ito para mapalitan. Ito na ang gagamitin sa susunod na mag-log in ka.

5. Ano ang gagawin kung nakalimutan ang passcode ko?

Pwede kang gumawa ng bagong passcode. Sundan lang ang steps na ito:

  • Pindutin ang “Nakalimutan ang passcode/username?” sa log-in screen ng DiskarTech.
  • I-enter ang hinihinging information tungkol sa account at pindutin ang “I-reset ang passcode ko”
  • Pumili kung saan ipapadala ang one-time password at i-type ito pagkatanggap.
  • Maglagay ng bagong passcode at i-confirm ito. Bago na ang passcode mo!

6. Pwede bang palitan ang passcode kahit hindi nakalimutan ito?

Oo naman. Narito ang steps para dito:

  • Pumunta sa Account, pindutin ang Settings at hanapin ang Change Passcode.
  • I-confirm lang ang current passcode at magbigay ng bagong passcode.
  • At i-confirm naman ang bagong passcode para matapos.

7. Ano ang gagawin ko kung nakalimutan ko ang username o nickname ko?

Para ma-retrieve ang nickname o username, sundan lang ang steps na ito:

  • Sa log-in screen, pindutin ang “Nakalimutan ang password/nickname?”
  • Ibigay ang hinihinging information (mobile number, buong pangalan, at date of birth).
  • Piliin ang “I-retrieve ang username ko”
  • I-enter ang matatanggap na one-time password
  • At hintaying i-text ang nickname o username

Para naman palitan ang nickname o username, sundan ang steps na ito:

  • Pumunta sa “Account”, piliin ang “Settings” at pindutin ang “Change username
  • Maglagay ng bagong nickname o username.
  • I-enter ang matatanggap na one-time password.

8. Ano ang gagawin kung na-block ang account ko?

Mag-email sa [email protected] at ibigay ang full name, nickname/username, mobile number, at address mo para ma-access ulit ang account.

9. Paano i-off ang in-app notifications?

Ang in-app notifications ay para makatanggap ang users ng latest news and updates tungkol sa DiskarTech. Sakaling hindi gusto na maka-receive nito, pumunta lang sa “Account”, piliin ang “Settings” at i-off ang “Notifications”.

Registration and Verification

Simple lang ang pagbukas ng DiskarTech account. Sundin lang ang steps na ito:

  1. I-download ang App.
  2. Mag-register by providing a username and a password. Kung gusto mo, pwede mo na rin ilista ang #goal mo para matulungan kang ma-achieve ito!
  3. Kapag ready ka nang mag-deposit, verification naman ang dadaanan mo.

B. Paano malalaman ang account number ko?

Para makita ang account number, pindutin lang ang “Account” sa lower-right corner ng homepage.

Ang Account Number mo ay nasa taas at may 15 digits.

C. Ano ang “Verification” sa DiskarTech?

Ang verification ay isang requirement ng Bangko Sentral ng Pilipinas para ma-establish ang pagkatao ng sinumang gustong gumawa ng transactions sa mga bangko at financial institutions na nire-regulate nito.

D. Ano ang kaibahan ng DiskarTech verification sa tradisyonal na verification procedure sa mga branch ng bangko?

Digital ang verification sa DiskarTech. Hindi na kailangang pumila sa mga branch ng bangko. Wala na ding ifi-fill up na mga dokumento. Kailangan lang ng smartphone at stable na internet connection sa verification kaya tipid sa oras at pamasahe.

E. Gaano kabilis ang verification ng DiskarTech?

Dahil sa technology na gamit ng DiskarTech, ilang minuto lang ang verification basta’t tama at tugma ang lahat ng information na nilagay mo.

F. Pwede ba akong tumigil sa gitna ng verification sa DiskarTech?

Recommended na tapusin ang verification ‘pag ito ay nasimulan na.  Pero pwede naman din itong balikan sa susunod.

G. Sino ang pwedeng gumawa ng Basic Deposit Account sa DiskarTech gamit ang verification?

Kung ikaw ay Filipino na at least 18 years at hindi residente ng Estados Unidos ay pwede kang gumawa ng Basic Deposit Account sa DiskarTech gamit ang verification.

H. Ano ang dapat ilagay sa account information?

Tapat na punan ang hinihinging information. Dapat tugma ito sa isa-submit na ID sa susunod na step ng verification.

Kung “Ma.” ang nasa ID, ganoon din dapat ang spelling sa pag-input at hindi “Ma” o “Maria”. Kung may “Jr.” naman ang nasa ID, hindi pwede ang “JR” “Junior”. Eksakto dapat para mag-match sa system ng DiskarTech.

Ganoon din dapat sa address, birth date, at iba pang information na nasa ID mo.

I. Paano kung hindi ko alam ang postal code ng bahay namin?

Pwedeng malaman ang postal code mo sa webpage na ito ng Philippine Post Office: https://www.phlpost.gov.ph/assets/files/archive/ZipCode%202019.pdf

J. Anong ID ang pwedeng gamitin sa verification ng DiskarTech?

Ito ang IDs na pwedeng gamitin para sa pag-verify:

Current: UMID, Postal ID, SSS ID, PRC ID, Driver’s License, Passport, and Voter ID.

Accepted IDs = Current + Additional Primary IDs + Secondary IDs below:
●School ID;
●National Bureau of Investigation (NBI) clearance (the MEMBER shall sign on the copy submitted);
●Police Clearance;
●Tax Identification Number (non-paper/cardboard ID only. Additional valid ID is required for TIN ID printed on paper/cardboard);
●Government Services and Insurance System (GSIS) e-Card;
●Senior Citizen Card;
●PhilHealth Health Insurance Card ng Bayan (additional valid ID is required for PhilHealth ID without picture);
●Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID;
●Government Office, Government Political Subdivisions/Instrumentalities, and Government-owned and/or Controlled Corporations (GOCCs) issued IDs [e.g., Armed Forces of the Philippines and Home Development Mutual Fund (HDMF) ID];
●ID issued from the National Council on Disabled Affairs (NCDA);
●Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification;
●Partner Organization ID issued by covered persons registered with and supervised or regulated by the BSP, SEC, or Insurance Commission.


Ihanda ang original na ID at siguruhing nasa maayos na condition ito. Hindi tatanggapin ng system ng DiskarTech ang damaged na ID. Hindi rin pwede ang photocopy lang ng ID (black and white man ito o colored) o digital copy (kukunan sa screen ng computer o iba pang gadget).

K. May tamang paraan ba sa pagkuha ng picture ng ID?

Sundin ang mga payong ito para tuluy-tuloy ang verification sa DiskarTech:

  • Siguruhing maliwanag kung saan gagawin ang pagkuha ng picture.
  • Kita dapat ang buong ID at pasok sa frame ang apat na kanto nito. Hintaying umilaw ang mga gilid ng frame.
  • Kailangang malayo ang kulay ng ID sa kung saan ito ipapatong.
  • Hindi dapat blurred ang kuha.
  • Dapat walang glare o reflection at anino sa picture para walang bahagi na hindi kita.
  • Huwag kalimutang kunan ang likod ng ID kung ang gagamitin ay UMID, SSS ID, Postal ID, Voter ID, o PRC ID.

L. Pwede bang laktawan ang video selfie?

Hindi pwede. Mahalagang bahagi ng verification ang video selfie.

M. May tamang paraan ba sa pagkuha ng video selfie?

Sunding mabuti ang instructions na lalabas sa screen. Sakaling hindi mag-launch ang video selfie. Subukang i-close ang ibang apps na gumagamit ng camera. Makakatulong din kung gagawin ang mga payong ito:

  • Siguruhing maliwanag kung saan gagawin ang pagkuha ng video selfie.
  • Mismong ang user ang dapat kumuha ng video selfie. Hindi pwede ang picture lamang o image sa screen.
  • Hindi dapat putol ang mukha sa frame ng video.
  • Iwasan matakpan ng glare o anino ang anumang bahagi ng mukha.
  • Maaaring magsuot ng dark na damit para maging mas malinaw ang video selfie.
Loans Marketplace
  1. Ano ang Loans Marketplace?

Isa itong feature sa DiskarTech kung saan pwede kang mag-apply ng kailangan mong loan sa partner loan providers o lenders ng DiskarTech.

2. Sino ang lenders ng loans marketplace?

Sa ngayon, ka-partner ng DiskarTech para sa loans marketplace ang Asialink Finance Corporation.

3. Sino ang pwedeng mag-avail ng loans gamit ang DiskarTech?

Lahat ng nag-download ng DiskarTech sa kanilang mobile phone at gumawa ng sariling basic deposit account, pwedeng mag-apply! Siguruhing verified ang inyong account at updated ang app.

4. Paano mag-apply ng loans sa DiskarTech?

Sundin lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa DiskarTech app.
  • Piliin ang “Loans” na option.
  • Piliin ang type ng loan na gusto mong apply-an.
  • I-input ang mga hinihinging impormasyon.
  • May makikitang listahan ng loan providers na ka-match ng iyong requirements at profile. Piliin sa listahan ang loan provider na swak sa kailangan mo, base sa approximate interest rate at monthly amortization.
  • Pagkapili ng gusto mong loan provider, lalabas ang iba pang impormasyon tungkol sa loan product na ina-applayan mo gaya ng eligibility criteria ng lender. Kumpirmasyon din ito ng iyong loan application. Sa parehong screen, pwede mo ring i-click ang “DiskarTech Terms and Conditions” para ma-review ang terms and conditions tungkol sa DiskarTech Loans Marketplace.
  • Punan ang dagdag na impormasyon na hinihingi.
  • I-upload ang mga hinihinging dokumento ng lender gaya ng ID, proof of income at iba pa.
  • I-submit ang loan application.
  • Lalabas sa screen ang confirmation na natanggap na ang iyong loan application at na naisubmit na ito sa loan provider.

5. Anu-ano ang loans na pwedeng i-avail?

Iba’t ibang loans ang pwedeng applyan. Gaya ng mga sumusunod:

  • Doctor’s Loan
  • Car Loan
  • Truck Loan
  • 2nd Hand Car Loan
  • 2nd Hand Truck Loan
  • PUV/Taxi Loan
  • Multicab Loan
  • Multicab Refinancing
  • Motorcycle Loan
  • Tricycle Loan
  • Housing Loan

6. Magkano ang pwedeng kong i-loan?

Ang minimum at maximum loan amount ay iba-iba depende sa loan na gusto mong i-avail mula sa Asialink Finance Corporation:

Loan ProductMinimum Loan AmountMaximum Loan Amount
Doctor’s Loan           20,000.00     1,000,000.00
Car Loan           20,000.00     2,000,000.00
Truck Loan           20,000.00     2,000,000.00
2nd Hand Car Loan           20,000.00     2,000,000.00
2nd Hand Truck Loan           20,000.00     2,000,000.00
PUV/Taxi Loan           20,000.00         250,000.00
Multicab Loan           20,000.00         120,000.00
Multicab Refinancing           20,000.00         100,000.00
Motorcycle Loan           10,000.00           20,000.00
Tricycle Loan           10,000.00           20,000.00
Housing Loan           20,000.00     5,000,000.00

7. Ano ang loan tenor options ko?

Ang loan tenor or term options mo ay iba-iba depende sa loan product na gusto mong i-avail. Ito ang options mo kung piliin mong mag-loan sa Asialink Finance Corporation:

Loan ProductLoan Term Options (in months)
Doctor’s Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18 or 24
Car Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18, 24, 30 or 36
Truck Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18, 24, 30 or 36
2nd Hand Car Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18, 24, 30 or 36
2nd Hand Truck Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18, 24, 30 or 36
PUV/Taxi Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18 or 24
Multicab Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18 or 24
Multicab Refinancing6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18 or 24
Motorcycle Loan6, 7, 8 , 9 10, 11 or 12
Tricycle Loan6, 7, 8 , 9 10, 11 or 12
Housing Loan6, 7, 8 , 9 10, 11, 12, 18, 24, 30, 36, 42, 48, 54 or 60

8. Magkano ang interest na babayaran ko?

Gaya ng loan amount and loan term, ang interest ay nakabase sa loan product na ia-avail mo mula sa napili mong partner-loan provider. Kung Asialink Finance ang napili mo, ito ang kanilang approximate interest rates:

Loan ProductInterest Rate Kada Buwan (Add-on-Rate)Effective Interest Rate Kada Taon
Doctor’s Loan1.75%35.15% to 36.74%
Car Loan1.25%25.28% to 26.75%
Truck Loan1.30%26.27% to 27.76%
2nd Hand Car Loan1.25%25.28% to 26.75%
2nd Hand Truck Loan1.25%25.28% to 26.75%
PUV/Taxi Loan2.00%40.05% to 41.70%
Multicab Loan1.75%35.15% to 36.74%
Multicab Refinancing2.00%40.05% to 41.70%
Motorcycle Loan2.50%49.75% to 51.44%
Tricycle Loan2.50%49.75% to 51.44%
Housing Loan1.25%24.68% to 26.75%

Paalala na ang mga nasa itaas ay indicative rates lamang. Ang actual rates may vary at maaaring magbago without prior notice.

9. Paano ko malalaman kung magkano ang aking monthly amortization?

Ang formula para macompute mo ang iyong monthly amortization ay ang sumusunod:

Halimbawa:

  • Loan product na ia-avail: Car Loan
  • Add-on-rate kada buwan: 1.25%
  • Desired loan amount: PHP 50,000.00
  • Desired loan term: 24 months
  • Approximate monthly amortization = PHP 2,708.33

Paalala na ang iyong mako-compute na amount ay approximate lamang. Ang iyong final amortization ay magdedepende sa kung ano ang mapagkakasunduan ninyo ng partner-loan provider na napili mo.

10. Ilang loan products ang pwedeng apply-an?

Walang limit sa loan na pwedeng applyan. Pero hindi pwedeng mag-apply ng kaparehong loan product sa parehong lender sa loob ng 30 days.

11. Paano malalaman kung approved ang loans application ko?

Hintayin ang abiso mula sa mismong loan provider. Maaari ring mag-follow up sa kanila gamit ang reference number na nakuha sa application at sa mga sumusunod na contact details:

Asialink Finance Corporation

Contact Number: +63 2 8709-7777

Email Address: [email protected]

Website: www.asialinkfinance.com.ph

Savings

a. May minimum ba ‘yan? Baka naman hindi ko afford.

Relax ka lang. Hindi kailangang maglagay agad ng pera sa account mo – pero pwede rin kung gusto mo. Zero initial deposit ito! Hindi rin kailangang mag-iwan ng pera sa account mo.  Zero maintaining balance din ito!

b. Anong mangyayari sa pera ko sa DiskarTech? May interest ba ‘yan?

Oo, may interest ito. Ang interest na kikitain mo sa DiskarTech ay 3.25% p.a. Mas mataas ito kumpara sa standard interest ng ibang mga bangko na kadalasan ay less than 1% p.a. lang!

c. May maximum deposit ba ‘yan?

Pwede kang mag-deposit hanggang PHP 48,000.00 at maki-credit naman ang interest sa account mo hanggang umabot ang balance sa PHP 50,000.00.

d. Bangko ba ang DiskarTech?

Ang DiskarTech accounts ay Basic Deposit Accounts (BDA) ng RCBC.  Dahil diyan, ang pera na nilalagay mo sa DiskarTech ay naka-deposit sa RCBC.

e. So, may PDIC insurance na ‘yan?

Oo naman. Dahil RCBC account, may PDIC insurance ito.

Deposits

a. Kung ang DiskarTech accounts ay deposit accounts rin ng RCBC, pwede ba ako mag-deposit sa RCBC branches? 

Hindi, iba kasi ang DiskarTech sa regular RCBC products. Pero don’t worry dahil maraming partners ang DiskarTech kung saan pwedeng mag-deposit sa iyong DiskarTech account.  Makikita mo sa app kung saan-saan pwede pero pinakakilala dito ang Bayad Center, 7-Eleven, at iba’t ibang pawnshops.

b. Magkano ang pwedeng i-deposit sa bawat transaction?

May minimum deposit amount na PHP 200.00 at maximum deposit account na PHP 25,000.00 kada transaction ang savings account mo.

c. Gaano kadalas pwedeng mag-deposit sa DiskarTech?

Hanggang dalawang deposit transactions lang ang pwede kada araw at kailangang maghintay ng 15 minutes bago ang pangalawang deposit transaction.

Hindi rin pwedeng mag-deposit mula 9:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. sa susunod na araw.

d. Saan pwedeng mag-cash in para sa DiskarTech?

Pwedeng mag-cash in sa mga sumusunod sa establishment:

  • Bayad Center
  • 7-Eleven
  • ECPay merchants
  • Tambunting Pawnshop
  • CVM Pawnshop
  • RD Pawnshop
  • H Lhuillier Pawnshop
  • Gaisano Capital
  • eBiz

e. Paano mag-deposit ng pera sa DiskarTech account?

Madali lang mag-deposit!  Sundan lang ang steps na ito:

  1. Mag-log in sa DiskarTech App.
  2. Pindutin ang “Deposit or Withdraw”.
  3. Pindutin ang “Mag-deposit”.
  4. Piliin ang partner channel kung saan ka magde-deposit.
  5. I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
  6. Hintayin ang lalabas na reference number. Tandaan, 30 minutes lang valid ang reference number na ‘to.
  7. Ipakita ang reference number sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
  8. Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
  9. Success!

f. Hindi nakalista sa mga partner channel sa ilalim ng “Mag-Deposit” ang pinuntahan kong ECPay merchant.  Ano ang gagawin ko?

Pindutin lang ang icon for “ECPay” at mag-generate ng deposit reference number.

g. Paano mag-deposit ng pera sa DiskarTech account gamit ang 7-Eleven barcode?

Madali lang mag-deposit! Sundan lang ang steps na ito:

  1. Mag-log in sa DiskarTech App.
  2. Pindutin ang “Deposit or Withdraw”.
  3. Pindutin ang “Mag-deposit”.
  4. Piliin ang 7-Eleven.
  5. I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
  6. Hintaying lumabas ang barcode.
  7. Ipakita ang barcode sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
  8. Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
  9. Success!
Withdrawals

a. Saan ako pwedeng mag-withdraw galing sa DiskarTech account ko?

Maaari kang bumisita sa mga branch ng Bayad Center para mag-withdraw mula sa iyong DiskarTech account o sa mga ATM ng RCBC gamit ang cardless withdrawal.

b. May kailangan ba akong dalhin ‘pag nag-withdraw ako sa partners niyo?

Magdala ng isang valid ID at maaaring i-verify ka ulit ng partners namin kapag first time mo mag-withdraw sa kanila.

c. Paano mag-withdraw ng pera galing sa DiskarTech account ko?

Madali lang magwithdraw!  Sundan lang ang mga step na ito:

  • Mag-log in sa DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Deposit or Withdraw”.
  • Pindutin ang “Mag-withdraw”.
  • Piliin ang partner channel kung saan ka magwi-withdraw.
  • I-enter ang amount na gustong i-withdraw at pindutin ang “Susunod”.
  • Pagdating sa payout partner, sabihin sa cashier na gusto mong mag-cash out mula sa iyong DiskarTech account.
  • Ipakita ang reference number sa cashier at i-claim ang pera.
  • Success!

d. Ano ang cardless ATM withdrawal?

Ang cardless ATM withdrawal ay isang feature ng DiskarTech app that allows users to withdraw cash mula sa savings account nila gamit ang more than 1,500 RCBC ATMs nationwide. Hindi na kailangan ng ATM card para mag-withdraw.

e. Paano mag-cardless ATM withdrawal?

Sundan lang ang steps na ito para mag-withdraw sa DiskarTech savings account mo. Pwede ring gamitin ang cardless ATM withdrawal para magpadala ng pera sa ibang tao. 

Para mag-withdraw sa sarili mong account:

  • Pindutin ang “Deposit or Withdraw”.
  • Pindutin ang “Mag-withdraw”.
  • Pindutin ang “Cardless ATM Withdrawal”.
  • Piliin kung magkano ang gustong i-withdraw.
  • I-enter ang one-time password (OTP) na ite-text ng DiskarTech app sa registered mobile number mo.
  • Ipapakita sa App screen ang iyong reference number.
  • Hintayin ang text galing sa RCBC na may bagong OTP.
  • Pumunta sa isang RCBC ATM.
  • Pindutin ang Enter/Accept sa RCBC ATM at i-input ang reference number at natanggap na bagong OTP para ma-withdraw ang pera mo.

Para magpadala ng pera na kukunin gamit ang cardless ATM withdrawal:

  • Pindutin ang “Transfer”.
  • Pindutin ang “via Cardless ATM Withdrawal”.
  • Piliin kung magkano ang gustong ipadalang pera.
  • Ilagay ang details ng taong gusto mong padalhan.
  • I-enter ang OTP na ite-text ng DiskarTech app sa registered mobile number mo.
  • Makakatanggap ng text galing RCBC na may reference number at OTP ang taong pinadalhan ng pera.
  • Kailangan lang pumunta ng taong pinadalhan ng pera sa isang RCBC ATM at i-enter ang natanggap na reference number at OTP para ma-withdraw ang pera.

f. Anong ATM ang pwede kong gamitin for cardless withdrawal?

Pwedeng gamitin para sa cardless ATM withdrawal ang alinman sa 1,500 ATMs ng RCBC nationwide.

g. Gaano katagal valid ang reference number para sa cardless ATM withdrawal?

Valid ito for up to 15 minutes kung ikaw ang gagawa ng cardless ATM withdrawal at up to 3 days naman kung ang recipient mo ang gagawa ng cardless ATM withdrawal.

h. Hindi ko nagawa ang cardless ATM withdrawal. Babalik pa ba sa account ko ang perang dapat iwi-withdraw ko?

Oo, automatic na mag-e-expire ang cardless ATM withdrawals kapag hindi na-withdraw ang pera at maki-credit ulit ang value nito sa account mo.

Transfers

a. Kanino ako pwedeng mag-transfer ng pera gamit ang DiskarTech account ko?

Pwede kang mag-transfer ng pera sa iba pang DiskarTech users at ibang bank accounts at e-wallets.

b. Paano ako makakapag-transfer ng pera gamit ang DiskarTech account ko?

Madali lang mag-transfer! Sundan lang ang steps na ito:

  1. Mag-log in sa DiskarTech App.
  2. Pindutin ang “Transfer”.
  3. Pindutin ang “To Another DiskarTech” at ilagay ang amount na gusto mong i-transfer at iba pang detalye nang padadalhan ng pera. Pwedeng ilagay ang account number o mobile number niya.
  4. I-confirm ang details.
  5. I-enter ang OTP na pinadala sa cellphone number mo.
  6. Success!

c. Paano mag-fund transfer galing sa ibang bangko o e-wallet papunta sa DiskarTech account ko?

  1. Sa online portal o app ng bangko o e-wallet mo, pumunta lang sa “Transfer” or “Send Money” na feature.
  2. Mula sa listahan ng mga bangko at e-wallet, piliin ang “RCBC” o “RCBC/DiskarTech”.
  3. Ilagay ang impormasyong hinihingi, kabilang ang 15-digit DiskarTech account number.

d. Pwede bang mag-fund transfer gamit ang QR code?

Dahil sumusunod sa National QR Code Standard (QRPh) ang DiskarTech, pwede ang person-to-person payment o ang pag-fund transfer sa iba pang financial institutions na gumagamit ng ganitong format ng nasabing format ng QR Code. Ito ay ang mga sumusunod: Rizal Commercial Banking Corporation, Asia United Bank, Land Bank of the Philippines, Union Bank of the Philippines, China Bank Corporation, at PayMaya.

Dapat ay updated ang DiskarTech app sa version 1.5.0. Pansinin din ang logo sa mismong QR Code ng padadalhan para masigurong compliant ito sa standard.

Para mag-fund transfer gamit ang QR Code, sundan lang ang steps na ito:

  • Pumunta sa transfer at piliin kung ano ang gustong padalhan ng pera: “Sa ibang DiskarTech account” , “Sa isang RCBC account” , o “Sa iba pang bangko o mobile wallet”
  • I-tap ang QR code symbol sa “Account number” field
  • I-scan ang QR code ng padadalhan
  • Ilagay ang iba pang detalye at pindutin ang “Susunod”
  • I-enter ang matatanggap na one-time password.

e. Gaano katagal bago ma-transfer ang pera ko sa DiskarTech?

Real-time ang pag-transfer sa DiskarTech account dahil dumaan ito sa InstaPay.

f. Mula sa aling mga bangko at e-wallet ako pwedeng mag-fund transfer papunta sa DiskarTech account ko?

Pwedeng mag-fund transfer papunta sa mga sumusunod na mga bangko at e-wallet:

  • AllBank (A Thrift Bank), Inc.
  • Asia United Bank Corporation
  • Bank of Commerce
  • Bank of the Philippine Islands / BPI Family Bank can also send InstaPay transfer via BPI rail.
  • BDO Unibank, Inc.
  • BPI Direct BanKO, Inc., A Savings Bank
  • CARD Bank Inc.
  • Cebuana Lhuillier Rural Bank, Inc.
  • China Bank Savings, Inc.
  • China Banking Corporation
  • CTBC Bank (Philippines) Corporation
  • DCPay Philippines Inc (COINS.PH)
  • Dungganon Bank (A Microfinance Rural Bank), Inc.
  • East West Banking Corporation
  • East West Rural Bank, Inc.
  • Equicom Savings Bank, Inc.
  • GrabPay
  • G-Xchange, Inc.
  • ING Bank N.V.
  • Land Bank of The Philippines
  • Malayan Bank Savings and Mortgage Bank, Inc.
  • Maybank Philippines, Inc.  
  • Metropolitan Bank and Trust Company
  • PayMaya Philippines, Inc.
  • Philippine Bank of Communications
  • Philippine Trust Company
  • Philippine National Bank
  • Philippine Savings Bank
  • Rizal Commercial Banking Corporation
  • Robinsons Bank Corporation
  • Rural Bank of Guinobatan, Inc
  • Security Bank Corporation
  • Sterling Bank of Asia, Inc., A Savings Bank
  • Sun Savings Bank, Inc.
  • Union Bank of the Philippines
  • United Coconut Planters Ban

g. Paano mag-fund transfer galing sa DiskarTech papunta sa ibang bangko o e-wallet?

  1. Pumunta sa “Transfer” at pindutin ang “Sa iba pang bangko o mobile wallet”.
  2. Pumili ng bangko o e-wallet at i-enter ang amount at ang pangalan at account number ng ta-transfer-an.
  3. I-enter ang matatangap na OTP bilang confirmation.

h. Gaano katagal bago ma-transfer ang pinadalang pera?

Real-time ang pag-transfer sa ibang bangko o e-wallet dahil dumaan ito sa InstaPay.

i. Sa aling mga bangko at e-wallet ako pwedeng mag-transfer galing sa DiskarTech account ko?

Pwedeng mag-fund transfer papunta sa mga sumusunod na mga bangko at e-wallet:

  • AllBank (A Thrift Bank), Inc.
  • Asia United Bank Corporation
  • Bank of Commerce
  • Bank of the Philippine Islands / BPI Family Bank can also send InstaPay transfer via BPI rail.
  • BDO Unibank, Inc.
  • BPI Direct BanKO, Inc., A Savings Bank
  • CARD Bank Inc.
  • Cebuana Lhuillier Rural Bank, Inc.
  • China Bank Savings, Inc.
  • China Banking Corporation
  • CTBC Bank (Philippines) Corporation
  • DCPay Philippines Inc (COINS.PH)
  • Dungganon Bank (A Microfinance Rural Bank), Inc.
  • East West Banking Corporation
  • East West Rural Bank, Inc.
  • Equicom Savings Bank, Inc.
  • GrabPay
  • G-Xchange, Inc.
  • ING Bank N.V.
  • Land Bank of The Philippines
  • Malayan Bank Savings and Mortgage Bank, Inc.
  • Maybank Philippines, Inc.  
  • Metropolitan Bank and Trust Company
  • PayMaya Philippines, Inc.
  • Philippine Bank of Communications
  • Philippine Trust Company
  • Philippine National Bank
  • Philippine Savings Bank
  • Rizal Commercial Banking Corporation
  • Robinsons Bank Corporation
  • Rural Bank of Guinobatan, Inc
  • Security Bank Corporation
  • Sterling Bank of Asia, Inc., A Savings Bank
  • Sun Savings Bank, Inc.
  • Union Bank of the Philippines
  • United Coconut Planters Bank
Insurance

a. Paano ako makakabili ng Insurance?

I-tap lang ang Insurance icon at piliin ang gusto mong bilhin na produkto. I-tap ang napili at ilagay ang iyong trabaho, pangalan, at relasyon sa iyong beneficiary. Pagkatapos ay i-enter ang matatanggap na OTP.

b. Sino ang magbibigay sa akin ng insurance? Ang DiskarTech ba?

Hindi ang DiskarTech ang magbibigay sa’yo ng insurance, lahat ito ay binibili at manggagaling sa Malayan Insurance Co.

c. Anong klaseng insurance products ang meron?

Merong apat na insurance products ang DiskarTech app na nanggagaling sa Malayan Insurance Co.:

  1. PanProtect COVID-19 Insurance
  2. Sari-Sari Store Insurance
  3. Dengue Cash 
  4. Commuters Personal Accident
  5. Ridesafe Personal Accident
  6. Super Personal Accident

d. Kailan dadating ang Certificate of Coverage (COC) ko?

Ipapadala ito ng Malayan Isurance sa email mo sa loob ng three to five business days.

e. Saan mahahanap ang COC number ko?

Makikita ito sa tab na “Availed products” ng DiskarTech app. Piliin lamang ang nabiling insurance para makita ang COC number mo.

f. Sino ang mga pwedeng maging beneficiary ko?

Next of kin lang ang pwedeng maging beneficiary, ito ay iyong asawa, anak, o magulang.

g. Paano mag file ng claim?

Puntahan ang biniling policy sa DiskarTech app at i-click ang “File a claim” button para mapunta sa website ng Malayan at makapag-file ng claim. Pwede ring dumiretso sa website ng Malayan Insurance: https://www.malayanonline.com/makeaclaim

h. Pwede ba ako bumiling ng maraming insurance para sa sarili ko?

Pwede ito sa lahat ng insurance products maliban sa Dengue Cash Assistance.

i. Pwede ba akong bumili ng insurance para sa iba?

Hindi pa ito pwede sa ngayon. Maaari ka lang bumili ng insurance para sa sarili mo.

j. Kailan mag-uumpisa ang coverage ko?

Mag-uumpisa ito ng 12:00 noon, kinabukasan ng pagbili mo ng insurance.

Bills Payment

1. Anu-anong bills ang mababayaran ko gamit ang DiskarTech?

Lahat ng klase ng bills, mababayaran na gamit ang DiskarTech – kuryente, tubig, phone, internet, or kung ano man!  Makikita ang full list dito.

2. Paano magbayad ng bills gamit ang DiskarTech?

Madali lang magbayad ng bills sa DiskarTech. Sundan lang ang mga step na ito:

  1. Mag-log in sa DiskarTech App.
  2. Pindutin ang “Pay Bills”.
  3. Pindutin ang category ng bill na gusto mong bayaran.
  4. Pindutin ang pangalan ng biller na gusto mong bayaran.
  5. Ilagay ang hihinging information kasama ang babayarang amount.
  6. I-confirm ang details.
  7. I-enter ang OTP na pinadala sa cellphone number mo.
  8. Success!
Load Purchase

1. Anu-anong load ang mabibili sa DiskarTech?

Lahat ng telecom companies, pwedeng bilhan ng load sa DiskarTech.  Andiyan ang Smart, Smart Bro, TNT, Sun, Globe, and TM.

2. Paano bumili ng load gamit ang DiskarTech?

Madali lang mag-load gamit ang DiskarTech. Sundan lang ang steps na ito:

  1. Mag-log in sa DiskarTech App.
  2. Pindutin ang “Buy Load”.
  3. Ilagay ang mobile number na gusto mong bilhan ng load.
  4. Piliin kung magkano ang load na gusto mong bilhin.
  5. I-confirm ang details ng purchase mo.
  6. I-enter ang OTP na pinadala sa cellphone number mo.
  7. Success!
Telemedicine

1. Ano ang telemedicine?

Ang telemedicine ay ang pag-consult sa isang medical professional o paghingi ng iba pang medical services gamit ang telepono, text, email at iba pang communications technology habang nasa magkaibang lugar ang pasyente at ang doktor.

2. Anong telemedicine services ang meron sa DiskarTech app?

Gamit ang DiskarTech app, pwedeng bumili ng telemedicine product na ino-offer ng healthcare provider na iDoc. May kasamang non-emergency telehealth consultations, medicine prescription, referrals, at iba pang medical services ang telemedicine product na ‘to. For more information, pumunta sa website ng iDoc.

3. Paano mag-avail ng telemedicine services sa DiskarTech app?

Pindutin ang “Telemedicine” sa DiskarTech app at sundan ang steps na ‘to:

  • Piliin ang healthcare package na gusto mong bilhin.
  • Basahin ang description ng product at disclaimer.
  • I-confirm ang purchase.
  • I-enter ang OTP na sinend sa mobile number mo.
  • Tandaan ang lalabas na iDoc code.
  • Pindutin ang link papunta sa iDoc website at mag-sign up doon.
  • Tatawag ang iDoc para i-confirm ang purchase at hingin ang iDoc code mo.
  • Pwede ka nang mag-avail ng services ng iDoc.

4. Produkto ba ng DiskarTech ang telemedicine services sa app?

Ang telemedicine services sa DiskarTech app ay produkto ng iDoc. Maaari lang ito mabili gamit ang DiskarTech app.

5. Sa DiskarTech ba ako tatawag para sa telemedicine consultations?

Para sa actual na telemedicine consultations at iba pang medical services, tawagan ang iDoc.

NegosyanTech Referral Incentive

1. Paano makakuha nito?

Ang NegosyanTech referral incentive ay nakukuha ng isang DiskarTech app user sa bawat successful na account verification ng mga na-refer na bagong DiskarTech app users.

May incentive din ang bagong DiskarTech app users na gagamit ng NegosyanTech code sa pag-register pagkatapos ma-verify ang account nila.

Lahat ng verified DiskarTech app users ay may sariling NegosyanTech code.

2. Magkano ang NegosyanTech referral incentive?

Instant PHP 30.00 ang makukuha na NegosyanTech referral incentive ng DiskarTech app user sa bawat successful na account verification ng mga na-refer na bagong DiskarTech app users.

Meron ding matatanggap na libreng personal accident insurance na may coverage na may coverage na PHP 70,000.00 na underwritten ng Malayan Insurance Corporation.

3. Paano malaman ang NegosyanTech code ko?

Pindutin ang “Account” sa baba ng DiskarTech app. Sa susunod na page ay pindutin naman ang “Mag-invite ng friends sa DiskarTech”. Ang 8-character NegosyanTech code mo may apat na letters at apat na numbers.

Pwede ‘tong i-copy o diretso nang i-share via SMS o sa iba pang apps.

4. Kailan matatanggap ang NegosyanTech referral incentive?

Agad na matatanggap ang NegosyanTech referral incentives pagkatapos ma-verify ang account ng bagong DiskarTech app users. Real-time at automatic ‘to.

Sabay na maki-credit ang incentives sa accounts ng nag-refer na DiskarTech app user at bagong verified na DiskarTech app user.

5. Gaano kalaking NegosyanTech referral incentive ang pwede kong makuha?

Hanggang PHP 30,000.00 kada buwan ang pwede mong makuhang NegosyanTech referral incentive. Kaya i-share na sa mga kaibigan at kapamilya ang DiskarTech app at ang NegosyanTech code mo.