1. Ano ang dalawang uri ng Basic Deposit Account (BDA) sa DiskarTech?
FULL BASIC DEPOSIT ACCOUNT
Ito ay Basic Deposit Account na ginamitan ng primary government-issued ID at na-fully verified sa eKYC. Ito ay may account limit na PHPMaaari bang maging full basic deposit account ang community bda 50,000 at maaaring gamitin ang lahat ng features ng DiskarTech. Kikita rin ng 4.88% interes kada taon ang savings.
COMMUNITY BASIC DEPOSIT ACCOUNT
Ito ay ang dating Basic Deposit Account na tinuturing na “restricted” dahil Secondary ID lamang ang ginamit sa eKYC.
Ang Community BDA ay may aggregate account balance limit na PHP 10,000 (mula sa PHP 5,000 dati) na ang ibig sabihin ay hindi dapat lalampas sa PHP 10,000 ang total cash in transactions (deposit, inward fund transfer, claiming of remittance, crediting of missions incentives) at di rin dapat lumampas sa PHP 10,000 ang total cash out transactions (withdrawal; outward fund transfer; bills payment; buy load, telemedicine o insurance) kada buwan. Magrereset ang aggregate limit kada buwan.
Sa Community BDA, maaaring magamit ang lahat ng features ng DiskarTech except ang Loans Marketplace, DiskarTech Loans at Credit Score. Pwede ring kumita ang savings ng 4.88% interes kada taon.
2. Ano ang mangyayari sa mga existing accounts na tinuturing na hindi Full Basic Deposit Account o yung tinatawag na “Restricted” sa system ng DiskarTech dahil sa paglabas ng bagong Community BDA?
Ang lahat ng hindi Full Basic Deposit Account o yung mga tinuturing na “restricted” accounts sa system ng DiskarTech ay automatically malelevel up to Community BDA. Mula sa limit na PHP 5,000, mae-enjoy na ngayon ang mas mataas na aggregated limit na PHP 10,000 kada buwan, ang paggamit ng halos lahat ng features at kikita na ang savings ng 4.88% interes kada taon.
3. Mayroon akong PHP 10,001 sa aking account at hindi ko ma-cash out ang natitirang piso dahil monthly aggregate limit na PHP 10,000. Ano ang dapat gawin?
Patience is a virtue ika nga. Pwede kang maghintay ng susunod na buwan para mawithdraw ang remaining PHP1 balance mo dahil back to zero every month ang cash out limit.
4. Maaari bang maging Full Basic Deposit Account ang Community BDA?
Yes. Maaaring lumevel up to a Full Basic Deposit Account ang Community BDA kung magsusumite ng valid government-issued Primary ID para magkaroon ng full verification ang account.
5. Anu-ano ang mga acceptable IDs para sa dalawang uri ng Basic Deposit Account sa DiskarTech?
*Ang mga gagamit ng Primary ID sa pagrehistro sa DiskarTech ay automatic na may Community BDA habang hinihintay na mafully-verified ang kanilang account sa loob ng 24 oras.