Telemedicine

1. Ano ang telemedicine?

Ang telemedicine ay ang pag-consult sa isang medical professional o paghingi ng iba pang medical services gamit ang telepono, text, email at iba pang communications technology habang nasa magkaibang lugar ang pasyente at ang doktor.

2. Anong telemedicine services ang meron sa RCBC DiskarTech app?

Gamit ang RCBC DiskarTech App, pwedeng bumili ng telemedicine product na ino-offer ng healthcare provider na iDoc. May kasamang non-emergency telehealth consultations, medicine prescription, referrals, at iba pang medical services ang telemedicine product na ‘to. For more information, pumunta sa website ng iDoc.

3. Paano mag-avail ng telemedicine services sa RCBC DiskarTech app?

Pindutin ang “Telemedicine” sa RCBC DiskarTech App at sundan ang steps na ‘to:

  • Piliin ang healthcare package na gusto mong bilhin.
  • Basahin ang description ng product at disclaimer.
  • I-confirm ang purchase.
  • I-enter ang OTP na sinend sa mobile number mo.
  • Tandaan ang lalabas na iDoc code.
  • Pindutin ang link papunta sa iDoc website at mag-sign up doon.
  • Tatawag ang iDoc para i-confirm ang purchase at hingin ang iDoc code mo.
  • Pwede ka nang mag-avail ng services ng iDoc.

4. Produkto ba ng RCBC DiskarTech ang telemedicine services sa app?

Ang telemedicine services sa RCBC DiskarTech App ay produkto ng iDoc. Maaari lang ito mabili gamit ang RCBC DiskarTech App.

5. Sa RCBC DiskarTech ba ako tatawag para sa telemedicine consultations?

Para sa actual na telemedicine consultations at iba pang medical services, pwedeng tawagan ang iDoc sa 8577-1858 or 0917-5771288.