1. Ano ang SSS LoanLite?
Ang SSS LoanLite ay isang short-term loan program ng Social Security System (SSS) na available sa mga accredited financial institutions tulad ng RCBC DiskarTech
Sa RCBC DiskarTech, ang mga qualified SSS members ay pwedeng mag-apply ng SSS LoanLite through a secure, all-digital application sa DiskarTech app.
2. Sino ang qualified mag-apply ng SSS LoanLite?
Maaaring maging qualified ka for SSS LoanLite Powered by RCBC DiskarTech kung:
- Filipino citizen ka
- At least 18 years old at below 65 years old ka sa pagtatapos ng loan term
- Active SSS member ka na may at least 12 posted monthly contributions
- May DiskarTech Regular Savings Account (RSA) ka na may validated SSS Transaction Reference Number (TRN)
Paano makakuha ng SSS TRN?
Makukuha ang iyong SSS Transaction Reference Number (TRN) kapag nag-apply ka ng MySSS Card sa My.SSS Portal at pinili ang RCBC DiskarTech bilang iyong Preferred Financial Institution (PFI).
Pagkatapos makuha ang TRN, kailangan itong ma-validate at ma-link sa iyong DiskarTech account.
Meron ka na bang MySSS Card Powered by RCBC DiskarTech?
Hindi mo kailangang hintayin na makuha ang physical card para makapag-avail ng SSS LoanLite. Basta successfully completed na ang iyong MySSS Card application, may valid SSS TRN ka na, at nakumpleto mo na ang required account setup at verification sa DiskarTech app, maaari ka nang mag-apply for SSS LoanLite Powered by RCBC DiskarTech, subject to eligibility.
Kung Basic Deposit Account (BDA) pa ang DiskarTech account mo:
Kailangan mo munang i-upgrade ang account mo sa Regular Savings Account (RSA) at kumpletuhin ang required verification.
Kailangan ko ba ng physical MySSS Card para makapag-apply ng SSS LoanLite?
Hindi mo na kailangang hintayin ang physical MySSS Card bago makapag-apply.
Kailangan mong makumpleto ang iyong MySSS Card application, magkaroon ng valid SSS Transaction Reference Number (TRN), at makumpleto ang required DiskarTech account setup at verification.
Kapag successfully linked na ang iyong SSS TRN at qualified ang iyong account, maaari ka nang mag-apply for SSS LoanLite through the DiskarTech app, subject to eligibility.
Final loan eligibility is subject to SSS validation and applicable SSS LoanLite requirements.
3. Ano ang SSS Transaction Reference Number (TRN)?
Ang SSS Transaction Reference Number (TRN) ay isang unique reference number na ginagamit para mai-link ang iyong SSS records sa iyong DiskarTech account.
Makukuha ang iyong SSS TRN kapag nag-apply ka ng MySSS Card sa My.SSS Portal at pinili ang RCBC DiskarTech bilang iyong Preferred Financial Institution (PFI).
Kailangan ng valid at successfully linked na SSS TRN para ma-check ang iyong eligibility for SSS LoanLite.
4. Magkano ang pwede kong ma-loan?
Pwede kang mag-loan mula ₱1,000 hanggang ₱20,000, payable in 60 or 90 days.
Ang approved loan amount at payment term ay depende sa iyong eligibility. Makikita mo ang available loan offer sa DiskarTech app at makakatanggap ka rin ng SMS notification tungkol dito.
5. Ano ang interest, fees, at charges ng SSS LoanLite?
Ang SSS LoanLite ay may:
- 8% interest per annum or approximately 0.67% per month
- Up to ₱200 transaction fee per loan
- Additional add-on fee na hindi lalampas sa 3% per annum ng total loan amount
Ang applicable fees ay automatically deducted sa iyong loan proceeds.
Bago mag-confirm, makikita mo sa DiskarTech app ang applicable interest, fees, at net loan proceeds.
6. Bakit hindi ko makita ang SSS LoanLite feature sa DiskarTech app?
Available ang SSS LoanLite sa qualified users na may verified DiskarTech Regular Savings Account (RSA) at successfully linked SSS Transaction Reference Number (TRN).
Kung BDA pa ang account mo:
I-upgrade muna ito to a Regular Savings Account (RSA).
Kung RSA na pero wala pang linked SSS TRN:
Mag-apply ng MySSS Card through the My.SSS Portal at piliin ang RCBC DiskarTech bilang iyong Preferred Financial Institution (PFI) para makuha ang iyong SSS TRN. Pagkatapos, complete the required linking and validation sa DiskarTech app.
Kung completed na ang requirements pero hindi pa rin available ang SSS LoanLite, maaaring ongoing pa ang eligibility validation ng iyong account.
Try again later or email [email protected] for assistance.
7. Bakit “Coming Soon” ang nakikita ko?
Maaaring lumabas ang “Coming Soon” kung wala pang successfully linked SSS Transaction Reference Number (TRN) ang iyong DiskarTech account.
Para makakuha ng SSS TRN, mag-apply ng MySSS Card sa My.SSS Portal at piliin ang RCBC DiskarTech bilang iyong Preferred Financial Institution (PFI).
Kapag nakuha at successfully linked na ang iyong SSS TRN at qualified na ang iyong account, maa-access mo na ang SSS LoanLite, subject to eligibility and product availability.
8. Paano ako mag-a-apply ng SSS LoanLite?
- Open DiskarTech app
- Tap SSS LoanLite
- Basahin at mag-agree sa Client Consent at applicable terms
- Ilagay ang iyong SSS Number at employment details
- Tingnan kung qualified ka at i-review ang available loan offer
- Piliin ang loan amount at payment term na available sa iyo
- Kumpletuhin ang required details at authentication
- I-review ang loan details, Terms and Conditions, Promissory Note, at Disclosure Statement
- Confirm your loan availment
Kapag successful ang availment, ang net loan proceeds ay maki-credit diretso sa iyong DiskarTech account.
9. Hanggang kailan valid ang loan offer ko?
Valid ang iyong loan offer until 11:59 PM on the same day.
Kapag hindi mo ito na-accept within the validity period, mag-e-expire ang offer. Maaari kang mag-apply ulit pagkatapos mag-expire ang offer, subject to eligibility.
10. Kailan ko matatanggap ang loan proceeds?
Kapag fully verified ang iyong DiskarTech account at successfully completed ang loan availment, ang net loan proceeds ay maki-credit diretso sa iyong DiskarTech account.
11. Saan ko makikita ang payment schedule ko?
Makikita mo ang iyong payment schedule at payment status sa DiskarTech app.
- Mag-log in sa DiskarTech app
- Tap SSS LoanLite
- Tap Upcoming Amortization Schedule o ang ellipsis (…) button
- Makikita na ang iyong Amortization Schedule
12. Pwede ba akong mag-apply ulit pagkatapos kong mabayaran ang loan?
Yes. Pwede kang mag-apply ulit kapag fully paid na ang existing SSS LoanLite mo, subject to eligibility.
I-open lang ang DiskarTech app, tap SSS LoanLite, at sundan ulit ang application process.
13. Paano kung hindi ako qualified for SSS LoanLite?
Ang eligibility for SSS LoanLite ay nakadepende sa applicable SSS eligibility requirements at loan validation criteria.
Maaaring hindi ka maging qualified dahil sa:
- Hindi mo na-meet ang required SSS contributions
- May existing past due o delinquent loan
- Hindi mo na-meet ang iba pang SSS eligibility requirements
Kung may mismatch sa iyong SSS at DiskarTech details:
I-update ang iyong records sa SSS o mag-request ng DiskarTech account information. Update by emailing [email protected].
14. Pwede ba akong mag-apply ulit kung hindi na-approve ang application ko?
Yes. Kapag na-resolve na ang dahilan kung bakit hindi na-approve ang iyong application, pwede kang mag-apply ulit, subject to eligibility.
Para sa SSS eligibility concerns:
SSS Hotline: 1455
7:00 AM to 10:00 PM, Mondays to Fridays
Email: [email protected]
15. Approved na ang SSS LoanLite ko pero hindi pa credited. Ano ang gagawin ko?
I-refresh muna ang DiskarTech app at i-check ulit ang iyong account.
Kung hindi pa rin reflected ang loan proceeds, email [email protected] para ma-check at ma-assist ka namin.
16. Paano ko makukuha o magagamit ang loan proceeds ko?
Kapag credited na sa iyong DiskarTech account, pwede kang:
- Mag-withdraw sa RCBC ATMs o ATM Go terminals gamit ang cardless withdrawal
- Mag-transfer sa RCBC o ibang bank account via InstaPay o PESONet
- Mag-cash out via Bayad Center, PERA HUB, o Cebuana Lhuillier
Applicable transaction limits and fees may apply.
17. Pwede bang diretso sa ibang bank account ang loan proceeds ko?
Hindi. Ang SSS LoanLite proceeds ay credited directly sa iyong DiskarTech account.
Once credited, pwede mo itong i-transfer sa ibang bank account gamit ang fund transfer feature ng DiskarTech app.
18. Pwede ba akong mag-apply kung may existing RCBC loan ako?
Yes. Pwede ka pa ring mag-apply for SSS LoanLite kahit may existing RCBC Home Loan, Auto Loan, Pasado Loan, Personal Loan, o Salary Loan, basta qualified ka at wala kang past due RCBC loan.
19. Pwede ko bang i-cancel ang loan pagkatapos kong tanggapin ang offer?
Hindi na. Once accepted na ang loan offer at credited na ang proceeds sa iyong DiskarTech account, hindi na ito pwedeng i-cancel.
Kaya i-review muna nang mabuti ang loan amount, payment term, interest, fees, net proceeds, at payment schedule bago mag-confirm.
20. Pwede ko bang baguhin ang due date ko?
Hindi. Fixed na ang payment schedule kapag na-book na ang loan.
Para makita ang iyong schedule:
DiskarTech app → SSS LoanLite → Upcoming Amortization Schedule
21. Kailan ang due date ng loan payment ko?
Ang due date ay maaaring sa 15th day o end of the month, depende sa date kung kailan na-approve ang iyong loan.
Kung ang due date ay natapat sa weekend o holiday, ang collection ay pwedeng malipat sa next working day.
Kung na-approve from 1st to 15th of the month:
Ang earliest collection date ay sa end of the month. Ang succeeding payments ay every 15th o end of the month, ayon sa iyong schedule.
Kung na-approve from 16th to 31st of the month:
Ang earliest collection date ay sa 15th of the following month. Ang succeeding payments ay susunod sa applicable 15th/end-of-month schedule.
Para sa exact payment dates, laging i-check ang iyong Amortization Schedule sa DiskarTech app.
22. Pwede ba akong mag-apply kung may existing SSS LoanLite pa ako?
Hindi. Kailangan munang fully paid ang existing SSS LoanLite mo bago ka makapag-submit ng panibagong application.
23. Malalaman ba ng employer ko na nag-apply ako ng SSS LoanLite?
Walang direct notification mula sa DiskarTech sa iyong employer tungkol sa iyong SSS LoanLite application.
24. Pwede ba akong mag-apply during weekends or holidays?
Yes. Dahil all-digital ang SSS LoanLite, maaari mong ma-access ang service through the DiskarTech app, subject to system availability, maintenance schedules, eligibility validation, at applicable processing requirements.
25. Paano kung kulang ang balance ng DiskarTech account ko sa due date?
Siguraduhing may sapat na balance ang iyong DiskarTech account bago ang due date.
Kung kulang ang balance, maaaring patuloy na subukang i-auto-debit mula sa iyong account ang outstanding SSS LoanLite obligation kapag may pumasok na funds, hanggang fully paid ang amount due.
Applicable interest and penalties may apply sa unpaid amount.
26. Paano ko babayaran ang loan payment ko?
Automatic na ide-debit ang iyong loan payment mula sa DiskarTech account mo based sa iyong payment schedule.
Siguraduhin lang na may sapat na balance ang account mo bago ang due date para tuloy-tuloy ang iyong payment.
27. Bukod sa Automatic Debit Arrangement (ADA), may ibang paraan ba para magbayad?
Sa ngayon, ang primary payment method para sa SSS LoanLite ay Automatic Debit Arrangement (ADA) through your DiskarTech account.
Hindi available ang over-the-counter payment sa RCBC branches para sa SSS LoanLite.
28. Pwede ba akong magbayad gamit ang SSS STL biller?
Sa ngayon, hindi pa available ang payment ng SSS LoanLite through the SSS STL biller.
29. Makakatanggap ba ako ng reminder bago ang due date?
Yes. Makakatanggap ka ng payment reminders starting five days before your due date through in-app notifications, SMS, at email.
Makakatanggap ka rin ng confirmation para sa successful auto-debit transactions.
30. Na-deduct na ang payment pero hindi pa posted. Ano ang gagawin ko?
May pagkakataong hindi agad mag-reflect ang payment dahil sa processing time o weekend/holiday schedule.
I-check muna ulit ang DiskarTech app pagkalipas ng ilang oras.
Para makita ang iyong transaction history:
- Mag-log in sa DiskarTech app
- Tap SSS LoanLite
- Tap Upcoming Amortization Schedule o ang ellipsis (…) button
- Tap ang Transaction History icon sa upper-right portion ng Amortization Schedule screen
- Makikita na ang iyong Transaction History
Kung hindi pa rin reflected ang payment, email [email protected] para ma-check at ma-assist ka namin.
31. Ano ang mangyayari sa SSS LoanLite ko kung mag-file ako ng SSS benefit claim for retirement, disability, or death?
Kapag nag-file ng applicable SSS benefit claim, ang outstanding SSS LoanLite balance ay magiging due and payable, whether current or past due.
Susubukan munang kolektahin ang outstanding balance through automatic debit sa iyong DiskarTech account.
Kung may remaining balance na hindi nabayaran within three days from SSS notification, maaari itong i-report sa SSS at ibawas sa applicable benefit proceeds, subject to SSS policies.
32. Ano ang mangyayari kung past due pa rin ang loan 60 days after the loan term?
Kung past due pa rin ang loan 60 days after the end of the loan term, maaari itong i-report sa SSS at maging subject sa applicable SSS collection and recovery policies.
Para sa mga katanungan tungkol dito, makipag-ugnayan directly sa SSS.
33. Bakit mas mababa ang approved loan amount ko kaysa sa amount na gusto kong i-loan?
Ang approved loan amount ay naka-base sa SSS eligibility rules at applicable financial assessment.
Kaya maaaring iba ang approved amount sa amount na gusto mong i-loan.
Para sa questions tungkol sa computation o eligibility, contact SSS at [email protected].
34. Ano ang gagawin ko kung dalawang beses na-deduct ang payment ko?
I-check muna ang iyong Transaction History sa DiskarTech app.
Kung may extra deduction at hindi ito na-reverse after the applicable processing period, email [email protected] at i-provide ang transaction details o screenshot para ma-check at ma-assist ka namin.
35. Ano ang gagawin ko kung naglo-loading o nag-error ang app habang nag-a-apply?
Subukan muna ang mga ito:
- Check your internet connection
- Close and reopen the DiskarTech app
- Try again after a few minutes
Kung patuloy ang issue, email [email protected] para ma-check at ma-assist ka namin.
36. Ano ang gagawin ko kung hindi ko natanggap ang email authentication code?
I-check muna ang iyong Spam or Junk folder.
Kung wala pa rin ang authentication code o kailangan mong i-update ang registered email address mo, email [email protected].
37. Ano ang gagawin ko kung mali o hindi tugma ang SSS number o personal details ko?
Siguraduhing exact match ang iyong name, middle initial, birthdate, at SSS Number sa iyong official SSS records at DiskarTech profile.
Kapag may hindi tugma, maaaring hindi mag-proceed ang iyong application.
Kung SSS records ang kailangang i-update:
Pumunta sa pinakamalapit na SSS branch para ma-update ang iyong details.
Kung DiskarTech information ang kailangang i-update:
Email [email protected] para mag-request ng account information update.
Kapag updated at tugma na ang iyong records, pwede kang mag-apply ulit, subject to eligibility.
38. Sino ang dapat kong kontakin kung kailangan ko ng tulong?
Para sa DiskarTech app, account, at transaction-related concerns:
Email: [email protected]
Support Hours: 6:00 AM to 7:00 PM, Mondays to Sundays, including holidays
Para sa SSS membership, eligibility, contributions, at SSS records:
SSS Hotline: 1455
7:00 AM to 10:00 PM, Mondays to Fridays, excluding national and special holidays
Email: [email protected]