Savings

1. May minimum ba ‘yan? Baka naman hindi ko afford.

Relax ka lang. Hindi kailangang maglagay agad ng pera sa account mo – pero pwede rin kung gusto mo. Zero initial deposit ito! Hindi rin kailangang mag-iwan ng pera sa account mo.  Zero maintaining balance din ito!

2. Anong mangyayari sa pera ko sa RCBC DiskarTech? May interest ba ‘yan?

Oo, may interest ito. Ang interest na kikitain mo sa RCBC DiskarTech ay 4.88% p.a. Mas mataas ito kumpara sa standard interest ng ibang mga bangko na kadalasan ay less than 1% p.a. lang!

  • Kung ang balance ng iyong account ay PHP0.00 – PHP 49,700.00, kikita ka ng 4.88% interest
  • Kung ang balance ng iyong account ay PHP 49,700.01 pataas, hindi na ito magtatamo ng interest dahil ang total ng iyong ipon at interest ay pwede hanggang Php 50,000 lamang

3. May maximum deposit ba ‘yan?

Pwede kang magdeposit, magcash-in, claim remittance, claim rewards hanggang PHP 49,700.00.

Halimbawa, kung may laman na ang iyong account na PHP 49,500.00 at magca-cashin/deposit ng PHP300, ang projected BDA ay PHP49,800. Ang resulta nito ay FAILED.

4. Bangko ba ang RCBC DiskarTech?

Ang RCBC DiskarTech accounts ay Basic Deposit Accounts (BDA) ng RCBC.  Dahil diyan, ang pera na nilalagay mo sa DiskarTech ay naka-deposit sa RCBC.

5. So, may PDIC insurance na ‘yan?

Oo naman. Dahil RCBC account, may PDIC insurance ito.