Ni Jay Reyes, Remate
Mula nang nagsimula ang community quarantine sa bansa ay naging madiskarte ang mga Pilipino para kumita ng karagdagang pera kung saan karamihan dito ay mga online business.
Ngunit, halos kalahati lamang ng mga Pilipino ang nag-iipon at mula rito, 21% lang ang naglalagay ng pera sa bangko.
“Karamihan din sa ating mga kababayan ay nanghihiram ng pera upang matugunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Kinukuha nila ito sa mga informal sources kung saan ang nakakalunod na interes ay kalimitang nagiging sanhi ng pagkabaon sa utang,” sabi ni Chuchi Fonacier, deputy general ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Upang hikayatin ang bawat indibidwal na magtipid, lalo na ang mga negosyanteng hindi nag-iimpok sa bangko, sinimulan ng RCBC DiskarTech ang Ipon Galing raffle kung saan pwedeng manalo ng 5% rebate o Ipon Rewards ang mga gumagamit ng app.
Dahil sa Ipon Galing, tumaas ng 146% ang balances sa Diskartech sa unang linggo ng Pebrero, mas mataas ito sa sa kabuuang average ng nakaraang taon.
Naitala rin ng Diskartech ang 274% na pagtaas ng deposit transactions.
“Ang Ipon Galing ay inilunsad namin para lalo pang iangat ang antas ng kaalaman ng bawat Pilipino sa kahalagahan ng pag-iipon. Nakita natin noong kainitan ng pandemya na talagang kung wala kayong ipon, at siyempre kung nawalan tayo ng trabaho o nagkasakit ang isang miyembro ng pamilya, wala tayong mahuhugot. Kaya kung meron tayong savings kung saan anumang sakuna, anumang emergency, at anumang pangangailangan na ‘di inaasahan, meron tayong mahuhugot na pera,” sabi ni Lito Villanueva, executive vice president at chief innovation and inclusion officer ng RCBC.
Idiniin din ni Eugene Acevedo, ang presidente at chief executive officer ng RCBC na importanteng magkaroon ng deposit accounts, lalo na sa mga walang regular na sahod.
“They need to set aside for food when they don’t have jobs or a time when they don’t have work. It’s time that we encourage more Filipinos to start the savings habit.” ani Acevedo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Diskartech at Ipon Galing, pumunta sa www.diskartech.ph/promotions.
Basahin ang storya rito.