Research Collaboration between RCBC and IPA Philippines
- Ano ang purpose ng research na ito?
Ang purpose ng research collaboration ng RCBC at IPA ay pag-aralan ang epekto ng presyo ng digital payments sa paggamit nito at sa iba pang financial behaviors. - Sino ang mga partner ng proyekto?
Ang RCBC (Rizal Commercial Banking Corporation) at IPA (Innovations for Poverty Action) Philippines ay ang mga pangunahing partner sa proyekto. Kasama rin sa research team ang mga eksperto mula sa iba’t ibang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, College of William & Mary, National University of Singapore, at University of Sydney. - Paano pipiliin ang mga participant?
Ang mga active users ng Diskartech ay pipiliin by random draw at iimbitahang makasali sa study. Magkakaroon ng in-app consent process kung saan tatanungin ang mga user kung gusto nilang sumali sa pag-aaral. - Paano malalaman kung napili ako para sa study?
Makakatanggap ka ng in-app notification mula sa Diskartech na humihingi ng iyong consent para makasali sa study. - Ano ang mangyayari kapag sumali ako sa study?
Kung ikaw ay magbibigay ng consent para sumali, magkakaroon ng pagkakataong bumaba ang halaga ng InstaPay fees sa iyong account, at pag-aaralan ng RCBC at IPA kung paano nito maaapektuhan ang iyong transaction behavior. Kung ikaw ay sasali, ang iyong pangalan at mobile number ay ibabahagi rin sa IPA para sa mga follow-up surveys. - Gaano katagal ang study?
Ang study ay tatakbo ng tatlong buwan para sa Diskartech. Mayroon ding follow up phone survey pagkatapos ng tatlong buwan ng price discount. - Ano ang mangyayari sa data ko?
Ang data ng mga participant ay kokolektahin at gagawing anonymous bago ito gamitin para sa research. Lahat ng impormasyon ay ipo-process ayon sa data privacy laws ng Pilipinas. - Ano ang magiging benepisyo ko bilang participant?
Bukod sa pagkakataong bumaba ang InstaPay fees mo, makakatulong ka sa pagbuo ng mga rekomendasyon na rekomendasyon na maaaring makapag-improve ng digital payments sa Pilipinas. - Mayroon bang babayaran kung sumali ako?
Walang bayad o gastos sa pagsali. Sa halip, maaari ka pang makatipid dahil posibleng mabawasan ang iyong Instapay fees. - Paano ko malalaman ang resulta ng pag-aaral?
Ipapakita ng IPA ang resulta ng pag-aaral sa RCBC, at posibleng ibahagi rin ito sa mga regulatory bodies gaya ng BSP. Magiging bahagi ito ng mga rekomendasyon para sa mga digital payments policies. - Pwede ba akong umalis sa study?
Oo, at any time ay pwedeng tumigil o umalis sa study sa pamamagitan ng hindi pagbigay ng consent o pag-email sa [email protected]. Kapag nag-withdraw sa pag-participate sa study, hindi na kokolektahin ang iyong data para sa research purposes.