1. What’s RCBC DiskarTech? Anong magagawa ko rito?
Ang RCBC DiskarTech ay ang unang Taglish super app sa bansa. Isa itong all-in-one super app kung saan pwede kang magbukas ng savings account, mag-deposit at mag-withdraw ng pera sa mga partner channels tulad ng 7-Eleven at Bayad Center, mag-ipon ng pera, mag-transfer ng pera sa ibang ma-DiskarTech, magbayad ng bills, at bumili ng load pati telemedicine products! Abangan ang iba pang exciting features na coming soon na!
2. Pwede ba ako diyan?
As long as pasok ka sa mga criteria na ito, pwede kang gumamit ng RCBC DiskarTech!
- 18 years old and above
- Filipino
- Non-US person (Hindi US resident o citizen)
3. Ano ang gagawin kung nakalimutan ang passcode ko?
Pwede kang gumawa ng bagong passcode. Sundan lang ang steps na ito:
- Pindutin ang “Nakalimutan ang password?” sa log-in screen ng RCBC DiskarTech.
- I-enter ang nickname o username mo.
- Pindutin ang “Mag-send ng OTP sa mobile number.”
- Pansinin ang lalabas na digits ng cellphone number na padadalhan ng OTP. Kung iba ito sa registered number mo ay maaaring mali ang nickname o username na inilagay. Tandaan na case sensitive ito at dapat tama ang gamit ng small at capital letters.
- Maglagay ng bagong passcode at i-confirm ito.
- I-enter ang one-time password na pinadala sa iyong mobile number. · Bago na ang passcode mo!
4. Gaano kadalas kailangang magpalit ng passcode?
Automatic na mage-expire kada buwan ang passcode mo at hihingan ka ng app ng kapalit nito. Hindi pwedeng ulitin ang passcode mo para sa iyong sariling security.
Pagkatapos ay i-activate o muling i-on ang paggamit ng finger scan o face ID para sa pag-log in.
Huwag ibigay ang passcode mo kahit kanino. Hinding hindi hihingin ng isang RCBC DiskarTech representative ang passcode o OTP mo.
5. Ano ang gagawin kung nakalimutan ang passcode ko?
Pwede kang gumawa ng bagong passcode. Sundan lang ang steps na ito:
- Pindutin ang “Nakalimutan ang passcode/username?” sa log-in screen ng RCBC DiskarTech.
- I-enter ang hinihinging information tungkol sa account at pindutin ang “I-reset ang passcode ko.”
- Pumili kung saan ipapadala ang one-time password at i-type ito pagkatanggap.
- Maglagay ng bagong passcode at i-confirm ito. Bago na ang passcode mo!
6. Pwede bang palitan ang passcode kahit hindi nakalimutan ito?
Oo naman. Narito ang steps para dito:
Pumunta sa Account, pindutin ang Settings at hanapin ang Change Passcode.
I-confirm lang ang current passcode at magbigay ng bagong passcode. At i-confirm naman ang bagong passcode para matapos. Siguruhing tama ang mga ilalagay na detalye.
7. Ano ang gagawin ko kung nakalimutan ko ang username o nickname ko?
Para ma-retrieve ang nickname o username, sundan lang ang steps na ito:
- Sa log-in screen, pindutin ang “Nakalimutan ang password/nickname?”
- Ibigay ang hinihinging information (mobile number, buong pangalan, at date of birth).
- Piliin ang “I-retrieve ang username ko.”
- I-enter ang matatanggap na one-time password.
- At hintaying i-text ang nickname o username.
- Para naman palitan ang nickname o username, sundan ang steps na ito:
- Pumunta sa “Account,” piliin ang “Settings” at pindutin ang “Change username.“
- Maglagay ng bagong nickname o username.
- I-enter ang matatanggap na one-time password.
8. Ano ang gagawin kung na-block ang account ko?
Para ma-access muli ang iyong account, sundan lang ang steps na ito:
- Pindutin ang ‘Nakalimutan ang passcode.’
- Ilagay ang iyong full name, mobile number at birthday.
- Gumawa ng bagong passcode.
- Ilagay ang iyong one-time password (OTP) na ise-send sa mobile number na gamit ng app mo. Tandaan: ‘Wag na ‘wag ibibigay sa kahit sino ang iyong OTP!
- Gamitin ang bagong password at dumiskarte nang walang hadlang.
9. Paano i-on ang in-app notifications?
Ang in-app notifications ay para makatanggap ang users ng latest news and updates tungkol sa RCBC DiskarTech. Sakaling hindi gusto na maka-receive nito, pumunta lang sa “Account”, piliin ang “Settings” at i-on ang “Notifications.”
10. Paano magkaroon ng access sa DiskarTech savings account?
Ang DiskarTech ay isang mobile app kung saan ang mga customer ay makakapagbukas ng isang DiskarTech savings account. Ang pag-access sa nasabing savings account ay ginagawa lamang sa pamamagitan ng DiskarTech App. Dahil dito, ang DiskarTech bank account at ang pag-access dito sa pamamagitan ng DiskarTech App ay iisa at pareho.
11. Pwede ko ba matanggal ang aking account sa DiskarTech?
Ang pag-delete ng iyong account upang matanggal ang iyong personal na data ay hindi magiging posible sa DiskarTech App, dahil sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP). Ito ay batay sa pagpapanatili ng mga detalye ng account. Ibig sabihin, dapat panatilihin ng mga bangko ang data ng customer na nauugnay sa isang bank account bilang mga record (parehong personal na impormasyong ginamit upang magbukas ng bank account at mga transactional/balance record).