Fund Transfer

InstaPay

1. Ano ang InstaPay?

Ito ay isang real-time at electronic na paraan para mag-pasa ng pera sa ibang bangko o e-wallet. Dahil sa tinatawag nating clear-before-settle arrangement, instant o pumasok agad ang confirmation ng iyong transaction!

2. May limit ba kung ilang beses ako pwedeng mag-InstaPay transaction sa isang araw?

Walang limit sa bilang ng transactions! Pero tandaan, may limit tayo sa halaga: maaari kang mag-transfer ng hanggang P50,000 per transaction at may daily total limit na P499,999.99.

3. May bayad ba kapag nag-transfer ako ng pera via InstaPay?

Bilang bahagi ng initiative para sa financial inclusion, LIBRE o walang transfer fees kapag InstaPay ang ginamit mo!

Ang initiative na ito ay alinsunod sa guidelines ng BSP Circular No. 1238, Series of 2026, na nanghihikayat sa mga financial institutions na magpatupad ng makatwiran at patas na pricing para sa mga electronic fund transfers.

4. Ano ang kailangan kong gawin kung nabawasan (debited) ang account ko pero nagka-error habang nagpapadala via InstaPay?

Dahil sa clear-before-settle arrangement, automatic na ibinabawas muna ng RCBC DiskarTech ang pera sa iyong account bago ito ipasa sa receiving account. 

Depende sa naging error, pwedeng ma-reverse at mabalik agad sa account mo ang pera (kasama ang transaction fee kung mayroon man). Maari din na maibalik ang pera sa susunod na banking day.

DiskarTech Tip: Maaari din munang i-check sa beneficiary kung pumasok ang pera. May mga pagkakataon na successful ang transfer kahit walang confirmation na natanggap mula sa kabilang bangko.

5. Kasama ba ang PESONet transfers sa libreng benefit na ito?

Hindi po. Hindi kasama ang PESONet transfers sa initiative na ito. Mayroon pa ring regular service fee na Php 10.00 bawat transaction kapag PESONet ang ginamit.

💡 May concerns ba? Huwag mag-atubiling mag-email sa ating DiskarTech customer care sa [email protected]

PesoNet

1. Ano ang PESONet?

Ang PESONet ay isa sa mga payment channel na ino-operate ng Philippine Payment Management Incorporated, sa ilalim ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Classified ito ng BSP bilang isang Financial Market Infrastructure at pinamamahalaan bilang isang Prominently Important Payment System (PIPS). Ibig sabihin, sinisiguro ng BSP na ito ay ligtas, efficient, at matatag para sa iyong mga transaksyon.

2. May limit ba ang pag-transfer ng pera gamit ang PESONet?

Walang limit sa bilang o dami ng beses na pwede kang mag-transfer, pero may sinusunod tayong maximum amount kada transaksyon depende sa iyong DiskarTech account type:

  • Para sa Community BDA: Ang maximum fund transfer amount kada transaksyon ay hanggang ₱10,000.00.
  • Para sa Full BDA: Ang maximum fund transfer amount kada transaksyon ay hanggang ₱50,000.00.
  • Para sa RSA: Ang maximum fund transfer amount kada transaksyon ay hanggang ₱500,000.00.
  • Paalala lang: Ang daily outgoing aggregate limit (o ang kabuuang limit ng pwedeng ilabas na pera sa loob ng isang araw) ay ₱500,000.00, anuman ang iyong account type.

3. May bayad ba kapag nag-transfer ako ng pera via InstaPay?

Bilang bahagi ng initiative para sa financial inclusion, LIBRE o walang transfer fees kapag PESO net ang ginamit mo!

Ang initiative na ito ay alinsunod sa guidelines ng BSP Circular No. 1238, Series of 2026, na nanghihikayat sa mga financial institutions na magpatupad ng makatwiran at patas na pricing para sa mga electronic fund transfers.

4. Ano ang dapat kong gawin kung nabawasan ang account ko pero nagka-error ang aking PESONet transaction?

Kapag nag-fund transfer ka gamit ang PESONet, unang ibinabawas (debit) ng RCBC DiskarTech ang pera sa iyong account bago ito ipadala sa receiving bank. Kung magkaroon man ng error habang pinoproseso ito, automatic na mag-re-reverse ang system—ibig sabihin, ibabalik ang parehong transfer amount at transaction fee sa account mo.

Sa ibang mga pagkakataon, maaaring bumalik ang pera sa susunod na banking day. Pwede mo ring i-double check sa beneficiary o sa taong pinadalhan mo kung pumasok na ang halaga. May mga kaso kasi na successful naman ang transfer pero hindi lang nakapagpadala ng confirmation ang receiving bank.

5. Real-time ba na matatanggap ng beneficiary ang pera kapag nag-transfer ako gamit ang PESONet? Hindi po real-time tulad ng InstaPay dahil may sinusunod na cut-off time ang PESONet:

  • Ang mga transfers na ginawa bago mag-2:00 PM cut-off ay ipapadala sa receiving bank sa mismong araw na iyon.
  • Ang mga transaksyon naman na ginawa pagkatapos ng cut-off, tuwing holidays, o weekends ay ipapadala sa susunod na banking day.

💡 May concerns ba? Huwag mag-atubiling mag-email sa ating DiskarTech customer care sa [email protected]