1. Ano itong bagong security update ng DiskarTech?
May paparating na bagong security update sa DiskarTech para mas maayos at tuloy-tuloy ang pag-access sa account mo.
Bahagi ito ng patuloy naming pagpapahusay ng app at pagsunod sa mga bagong security standards para makatulong sa pagprotekta ng account mo laban sa scams at unauthorized access.
2. Ano ang biometric authentication?
Ang biometric authentication ay paraan ng pag-confirm ng identity mo gamit ang fingerprint o face ID.
Sa bagong update, maaari itong gamitin sa pag-login at pag-approve ng ilang transactions para mas maging maayos ang paggamit ng app.
3. Ilang cellphone ang puwedeng gamitin sa isang DiskarTech account?
Sa bagong update, isang (1) registered device lang ang puwedeng naka-link sa isang DiskarTech account sa isang pagkakataon.
Kapag nag-register ka ng bagong phone, automatic na mawawala ang access sa dating phone.
4. Ano ang mangyayari kung magpalit ako ng cellphone?
Pwede mo pa ring i-register ang account mo sa bago mong phone.
Kapag nagpalit ka:
- Automatic na mawawala ang access ng dating phone
- Magkakaroon ng 24-hour security waiting period
Sa loob ng security waiting period:
- Makikita mo pa rin ang iyong balance at account details
- Pero may ilang transactions na pansamantalang hindi muna available
5. Ano ang puwede kong gawin habang may security waiting period?
Habang active ang security waiting period, pwede mo pa ring:
- Tingnan ang transaction history
- I-check ang account settings
- Magpalit ng passcode
- Tingnan ang interest earned
- Mag-claim ng completed missions
- Tingnan ang rewards
- I-check ang DiskarTech Score
6. Anong transactions ang pansamantalang hindi available habang may security waiting period?
Habang active ang security waiting period, pansamantalang hindi muna available ang:
- Fund transfer
- Bills payment
- Buy load
- Insurance payments
- Telemedicine payments
- Cash in at cash out
- QR payments
- ATM cardless withdrawal
- Loan applications at repayments
- Remittance disbursement
Kapag tapos na ang security waiting period, automatic na babalik ang access sa mga ito.
7. Makakatanggap ba ako ng abiso kapag nagpalit ako ng device?
Oo.
Makakatanggap ka ng SMS:
- kapag na-register ang bagong device
- bilang paalala bago matapos ang security waiting period
- kapag fully available na ulit ang iyong account access
8. Ano ang minimum phone requirements para sa bagong update?
Para magamit ang latest version ng DiskarTech:
Android: Version 9.0 pataas
iPhone (iOS): Version 16 pataas
Kung mas mababa rito ang version ng phone mo, i-update muna ang software para tuloy-tuloy ang paggamit ng app.
9. Paano na ako magla-login at mag-a-approve ng transactions?
Depende ito sa gamit mong device:
Kung registered ang device mo:
Pwede kang gumamit ng biometrics, tulad ng fingerprint o face ID. Kung naka-off ang biometrics, OTP via SMS ang gagamitin.
Kung bagong device ito:
OTP via SMS muna ang kailangan para sa initial setup.
10. Anong transactions ang gagamit ng biometrics o OTP?
Maaaring gamitin ang biometrics o OTP para sa:
- Fund transfers
- Change passcode
- Forgot passcode
- Pag-enable o disable ng biometrics
- Device registration
- Device removal
Depende sa transaction, maaaring biometrics, OTP, o parehong verification ang kailangan.
11. Kailan automatic na mag-o-off ang biometrics ko?
Automatic na madi-disable ang biometrics kapag:
- Nagdagdag o nagpalit ka ng fingerprint o face ID sa phone settings
- Nagpalit ka ng registered device
Pwede mo itong i-set up ulit pagkatapos.
12. Paano kung madumi, may semento, o may gasgas ang daliri ko at hindi mabasa?
Okay lang.
Pwede mong gamitin ang Face ID kung supported ng phone mo.
Kung hindi available o hindi gumagana ang biometrics, pwede kang gumamit ng OTP via SMS para maituloy ang transaction.
13. Pwede ko bang gamitin ang DiskarTech account ko sa phone ng asawa o anak ko?
Sa bagong update, isang phone lang ang puwedeng naka-register sa isang account sa isang pagkakataon.
Kung ilalagay mo ito sa ibang phone, automatic na mawawala ang access sa dating phone.
14. Ano ang gagawin ko kung nawala o nanakaw ang phone ko?
I-report agad sa amin sa [email protected] para matulungan ka.
Pwede ka naming tulungan sa:
- pag-block ng account
- pag-unregister ng old device
- pag-reset ng passcode
- iba pang account concerns
15. Kailangan ko bang mag-register ulit kapag live na ang bagong security update?
Oo. Sa pag-update ng app, maaaring hilingin sa’yo na i-register muli ang iyong device bilang bahagi ng bagong security process.
Good news: Sa unang registration sa bagong update, wala munang 24-hour security waiting period.
Magbibigay kami ng step-by-step guide kapag available na ito.