Popular Questions

List of DiskarTech FAQs

Tignan ang mga usually tinatanong na topic.
Load Purchase
Coming Soon
Load Purchase

1. Anu-anong load ang mabibili sa RCBC DiskarTech?

Lahat ng telecom companies, pwedeng bilhan ng load sa RCBC DiskarTech. Nandiyan ang Smart, Smart Bro, TNT, Sun, Globe, TM, and DITO.

2. Paano bumili ng load gamit ang RCBC DiskarTech?

Madali lang mag-load gamit ang RCBC DiskarTech. Sundan lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Buy Load.”
  • Ilagay ang mobile number na gusto mong bilhan ng load. I-double check ang mobile number para iwas-failed transaction.
  • Piliin kung magkano ang load na gusto mong bilhin.
  • I-confirm ang details ng purchase mo.
  • I-enter ang OTP na pinadala sa cellphone number mo.
  • Success!
Coming Soon

1. Ano pa ang mga features na pwedeng abangan sa RCBC DiskarTech?

Soon, magkakaroon ang RCBC DiskarTech ng isang skills marketplace para lalong mapabilis ang pag-abot ng #BuhayGinhawa. Saan ka pa? ‘Yun oh!

2. Paano maging updated sa mga bagong features ng app?

Lagi lang mag-update ng app o abangan ang aming announcement sa website na ito para sa mga exciting upgrades ng RCBC DiskarTech.

Pwede ring mag-like at mag-subscribe sa ang aming Facebook, Twitter, Instagram, at Youtube accounts para mabilis na ma-notify.