Paano ka namin matutulungan?
Popular Questions
List of DiskarTech FAQs
1. Saan ako pwedeng mag-withdraw galing sa RCBC DiskarTech account ko?
Maaari kang bumisita sa mga branch ng Bayad Center para mag-withdraw mula sa iyong RCBC DiskarTech account o sa mga ATM ng RCBC gamit ang cardless withdrawal.
2. May kailangan ba akong dalhin ‘pag nag-withdraw ako sa partners niyo?
Magdala ng isang valid ID at maaaring i-verify ka ulit ng partners namin kapag first time mo mag-withdraw sa kanila.
3. Paano mag-withdraw ng pera galing sa RCBC DiskarTech account ko?
Madali lang magwithdraw! Sundan lang ang mga step na ito:
- Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
- Pindutin ang “Withdraw”.
- Piliin ang partner channel kung saan ka magwi-withdraw.
- I-enter ang amount na gustong i-withdraw at pindutin ang “Susunod”.
- Pagdating sa payout partner, sabihin sa cashier na gusto mong mag-cash out mula sa iyong RCBC DiskarTech account.
- Ipakita ang reference number sa cashier at i-claim ang pera.
- Success!
4. Ano ang cardless ATM withdrawal?
Ang cardless ATM withdrawal ay isang feature ng RCBC DiskarTech app that allows users to withdraw cash mula sa savings account nila gamit ang more than 1,500 RCBC ATMs nationwide. Hindi na kailangan ng ATM card para mag-withdraw.
5. Paano mag-cardless ATM withdrawal?
Sundan lang ang steps na ito para mag-withdraw sa RCBC DiskarTech savings account mo. Pwede ring gamitin ang cardless ATM withdrawal para magpadala ng pera sa ibang tao.
Para mag-withdraw sa sarili mong account:
- Pindutin ang “Withdraw”.
- Pindutin ang “Cardless ATM Withdrawal”.
- Piliin kung magkano ang gustong i-withdraw.
- I-enter ang one-time password (OTP) na ite-text ng RCBC DiskarTech App sa registered mobile number mo.
- Ipapakita sa app screen ang iyong reference number.
- Hintayin ang text galing sa RCBC na may bagong OTP.
- Pumunta sa isang RCBC ATM.
- Pindutin ang Enter/Accept sa RCBC ATM at i-input ang reference number at natanggap na bagong OTP para ma-withdraw ang pera mo.
Para magpadala ng pera na kukunin gamit ang cardless ATM withdrawal:
- Pindutin ang “Transfer”.
- Pindutin ang “via Cardless ATM Withdrawal”.
- Piliin kung magkano ang gustong ipadalang pera.
- Ilagay ang details ng taong gusto mong padalhan.
- I-enter ang OTP na ite-text ng RCBC DiskarTech App sa registered mobile number mo.
- Makakatanggap ng text galing RCBC na may reference number at OTP ang taong pinadalhan ng pera.
- Kailangan lang pumunta ng taong pinadalhan ng pera sa isang RCBC ATM at i-enter ang natanggap na reference number at OTP para ma-withdraw ang pera.
6. Anong ATM ang pwede kong gamitin for cardless withdrawal?
Pwedeng gamitin para sa cardless ATM withdrawal ang alinman sa 1,500 ATMs ng RCBC nationwide.
7. Gaano katagal valid ang reference number para sa cardless ATM withdrawal?
Valid ito for up to 15 minutes kung ikaw ang gagawa ng cardless ATM withdrawal at up to 3 days naman kung ang recipient mo ang gagawa ng cardless ATM withdrawal.
8. Paano kung ‘di nagawa ang cardless ATM withdrawal?
Automatic na mag-e-expire ang cardless ATM withdrawals after 15 minutes kapag hindi na-withdraw ang pera at maki-credit ulit ang value nito sa account mo.
Pwede ring i-cancel ang transaction. Pumunta lang sa Settings at pindutin ang “Pending Withdrawal” at i-click ang “Cancel Transaction”.
1. Paano mag receive ng remittance gamit ang RCBC DiskarTech?
Maaaring mag claim ng remittance gamit ang RCBC DiskarTech with our partner remittance reference number. Maaari lamang mag claim ng remittance ang fully verified RCBC DiskarTech users within the app.
2. Accredited Remittance Partners
- JapanRemit
- Remitly
- Ayannah
- Instant Cash
3. Ano ang kailangan para mag claim ng remittance?
- Piliin ang Remittance icon sa RCBC DiskarTech app
- Piliin sa listahan ang accredited partner remittance
- Ilagay ang Reference Number mula sa sender
- Ilagay ang required information
- Ilagay ang OTP para i-confirm ang transaction at para i-claim ang iyong remittance
4. May bayad ba ang pag claim ng remittance sa RCBC DiskarTech app?
Walang additional fees sa pag claim ng remittance via RCBC DiskarTech app
Diskarteng Tipid ba ang hanap mo? Sagot na ‘yan ng FindShare!
I-follow lang ang mga steps na ito:
1. Mag-login sa iyong RCBC DiskarTech Account.
2. I-click ang Rewards Icon.
3. Pumili ng merchant. Makikita sa bawat store ang cashback o discount offers.
4. Basahin ang Terms and Conditions at pindutin ang “Shop Now”.
5. I-click ang “Proceed To Shop” para siguradong ma-avail ang cashback o discount.
Shop na sa aming partner merchants para makakuha ng cashbacks o discounts! Marami pang pagpipilian. ‘Yun oh!
Click here to learn more
1. Ano ang telemedicine?
Ang telemedicine ay ang pag-consult sa isang medical professional o paghingi ng iba pang medical services gamit ang telepono, text, email at iba pang communications technology habang nasa magkaibang lugar ang pasyente at ang doktor.
2. Anong telemedicine services ang meron sa RCBC DiskarTech app?
Gamit ang RCBC DiskarTech App, pwedeng bumili ng telemedicine product na ino-offer ng healthcare provider na iDoc. May kasamang non-emergency telehealth consultations, medicine prescription, referrals, at iba pang medical services ang telemedicine product na ‘to. For more information, pumunta sa website ng iDoc.
3. Paano mag-avail ng telemedicine services sa RCBC DiskarTech app?
Pindutin ang “Telemedicine” sa RCBC DiskarTech App at sundan ang steps na ‘to:
- Piliin ang healthcare package na gusto mong bilhin.
- Basahin ang description ng product at disclaimer.
- I-confirm ang purchase.
- I-enter ang OTP na sinend sa mobile number mo.
- Tandaan ang lalabas na iDoc code.
- Pindutin ang link papunta sa iDoc website at mag-sign up doon.
- Tatawag ang iDoc para i-confirm ang purchase at hingin ang iDoc code mo.
- Pwede ka nang mag-avail ng services ng iDoc.
4. Produkto ba ng RCBC DiskarTech ang telemedicine services sa app?
Ang telemedicine services sa RCBC DiskarTech App ay produkto ng iDoc. Maaari lang ito mabili gamit ang RCBC DiskarTech App.
5. Sa RCBC DiskarTech ba ako tatawag para sa telemedicine consultations?
Para sa actual na telemedicine consultations at iba pang medical services, pwedeng tawagan ang iDoc sa 8577-1858 or 0917-5771288.
1. Ano ang RCBC DiskarTech Telekonsulta Unli?
Ito ay consultation sa isang medical doctor na pwedeng gawin anywhere you are, 24/7. Hindi mo na kailangang pumila sa clinic o hospital para magpa-check-up.
2. Magkano ito?
Ito ay Php50.00 kada buwan, o kaya naman o P150 quarterly.
3. Ano ang coverage nito?
Ang iyong free telekonsulta month ay may may unlimited consultation kay doc via video, call and text. May access din to electronic prescriptions, medical certificates and laboratory requests.
4. Pwede ko bang bilhan ang kilala ko?
Good news! You can buy up to 5 telekonsulta for your family at P25 monthly per subscription. Kasal, live-in o kahit same-sex relationship – basta mahal mo, pwede mong bilhan!
1. Paano ako makakabili ng Insurance?
I-tap lang ang Insurance icon at piliin ang gusto mong bilhin na produkto. I-tap ang napili at ilagay ang iyong trabaho, pangalan, at relasyon sa iyong beneficiary. Pagkatapos ay i-enter ang matatanggap na OTP.
2. Sino ang magbibigay sa akin ng insurance? Ang RCBC DiskarTech ba?
Hindi ang RCBC DiskarTech ang magbibigay sa’yo ng insurance, lahat ito ay binibili at manggagaling sa Malayan Insurance Co. at Sun Life Grepa Financial Inc.
3. Anong klaseng insurance products ang meron?
Merong iba’t-ibang insurance products ang RCBC DiskarTech App na nanggagaling sa Malayan Insurance Co. at Sun Life Grepa Financial Inc.:
Sun Life Grepa Life Insurance:
- My Income Protect Plus
- My Family Life Shield (Family Coverage)
- My Scholar Plus
- My Personal Life Shield
Malayan Non-Life Insurance:
- Commuter PA
- Ridesafe 20K
- Ridesafe 50K
- Super PA
- Dengue Cash
- SARISARI STORE Insurance
- PANPROTECT 130
- PANPROTECT SENIOR 195
- PANPROTECT 600
- PANPROTECT SENIOR 900
4. Kailan dadating ang Certificate of Coverage (COC) ko?
Ipapadala ito sa email mo sa loob ng three to five business days.
5. Saan mahahanap ang COC number ko?
Makikita ito sa tab na “Availed products” ng RCBC DiskarTech app. Piliin lamang ang nabiling insurance para makita ang COC number mo.
6. Sino ang mga pwedeng maging beneficiary ko?
Next of kin lang ang pwedeng maging beneficiary, ito ay iyong asawa, anak, o magulang.
7. Paano mag file ng claim?
Puntahan ang biniling policy sa DiskarTech app at i-click ang “File a claim” button para mapunta sa website ng Malayan at makapag-file ng claim. Pwede ring dumiretso sa website ng Malayan Insurance: https://www.malayanonline.com/makeaclaim
8. Pwede ba ako bumili ng maraming insurance para sa sarili ko?
Pwede ito sa lahat ng insurance products maliban sa Dengue Cash Assistance.
9. Pwede ba akong bumili ng insurance para sa iba?
Yes. Maari ka nang bumili ng insurance hindi lang para sarili mo pati na rin sa iyong mahal sa buhay. Kasal, live-in o kahit same-sex relationship – basta mahal mo, pwede mong bilhan!
10. Kailan mag-uumpisa ang coverage ko?
Mag-uumpisa ito ng 12:00 noon, kinabukasan ng pagbili mo ng insurance.