Popular Questions

List of DiskarTech FAQs

Tignan ang mga usually tinatanong na topic.
Savings
Deposits
Withdrawals
Remittance
DiskarTech Rewards
Telemedicine
Savings

1. May minimum ba ‘yan? Baka naman hindi ko afford.

Relax ka lang. Hindi kailangang maglagay agad ng pera sa account mo – pero pwede rin kung gusto mo. Zero initial deposit ito! Hindi rin kailangang mag-iwan ng pera sa account mo.  Zero maintaining balance din ito!

2. Anong mangyayari sa pera ko sa RCBC DiskarTech? May interest ba ‘yan?

Oo, may interest ito. Ang interest na kikitain mo sa RCBC DiskarTech ay 4.88% p.a. Mas mataas ito kumpara sa standard interest ng ibang mga bangko na kadalasan ay less than 1% p.a. lang!

  • Kung ang balance ng iyong account ay PHP0.00 – PHP 49,700.00, kikita ka ng 4.88% interest
  • Kung ang balance ng iyong account ay PHP 49,700.01 pataas, hindi na ito magtatamo ng interest dahil ang total ng iyong ipon at interest ay pwede hanggang Php 50,000 lamang

3. May maximum deposit ba ‘yan?

Pwede kang magdeposit, magcash-in, claim remittance, claim rewards hanggang PHP 49,700.00.

Halimbawa, kung may laman na ang iyong account na PHP 49,500.00 at magca-cashin/deposit ng PHP300, ang projected BDA ay PHP49,800. Ang resulta nito ay FAILED.

4. Bangko ba ang RCBC DiskarTech?

Ang RCBC DiskarTech accounts ay Basic Deposit Accounts (BDA) ng RCBC.  Dahil diyan, ang pera na nilalagay mo sa DiskarTech ay naka-deposit sa RCBC.

5. So, may PDIC insurance na ‘yan?

Oo naman. Dahil RCBC account, may PDIC insurance ito.

Deposits

1. Kung ang RCBC DiskarTech accounts ay deposit accounts rin ng RCBC, pwede ba ako mag-deposit sa RCBC branches? 

Hindi, iba kasi ang RCBC DiskarTech sa regular RCBC products. Pero don’t worry dahil maraming partners ang RCBC DiskarTech kung saan pwedeng mag-deposit sa iyong DiskarTech account.  Makikita mo sa app kung saan-saan pwede pero pinakakilala dito ang Bayad Center, 7-Eleven, at iba’t ibang pawnshops.

2. Magkano ang pwedeng i-deposit sa bawat transaction?

May minimum deposit amount na PHP 200.00 at maximum deposit account na PHP 25,000.00 kada transaction ang savings account mo.

Ang 7-Eleven ay mayroon namang maximum deposit limit na P10,000 kada araw kapag nag-cash in sa kanila gamit ang CLiQQ kiosk.

3. Gaano kadalas pwedeng mag-deposit sa RCBC DiskarTech?

Hanggang dalawang deposit transactions lang ang pwede kada araw at kailangang maghintay ng 15 minutes bago ang pangalawang deposit transaction.

Hindi rin pwedeng mag-deposit mula 9:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. sa susunod na araw.

4. Saan pwedeng mag-cash in para sa RCBC DiskarTech?

Pwedeng mag-cash in sa mga sumusunod sa establishment:

  • Bayad Center
  • CVM Pawnshop
  • Card Bank
  • Cebuana Lhuillier
  • Digipay
  • eBiz
  • ECPay Merchants*
  • ExpressPay
  • FS De Lepn Pawnshop & Jewelries
  • Gaisano
  • Guagua Rural Bank
  • H Lhuillier Pawnshop
  • NCCC Supermarket
  • Optimum Exchange Remit
  • Panalo Express
  • Pay&Go
  • Perahub
  • Prince Warehouse Inc.
  • Producers Bank
  • Sendah Direct
  • Sinag Pawnshop
  • Tambunting Pawnshop

    *Available in selected outlets only. Click here.

5. Paano mag-deposit ng pera sa RCBC DiskarTech account?

Madali lang mag-deposit!  Sundan lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Deposit”
  • Pumili ng cash-in method kung saan magde-deposit.
  • I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
  • Hintayin ang lalabas na reference number. Tandaan, 30 minutes lang valid ang reference number na ‘to.
  • Ipakita ang reference number sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
  • Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
  • Success!

6. Wala sa list ng partners ang ECPay merchant ko.

Pindutin lang ang icon for “ECPay” at mag-generate ng deposit reference number.

7. Paano mag-deposit ng pera sa RCBC DiskarTech account gamit ang 7-Eleven barcode?

Madali lang mag-deposit! Sundan lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Deposit”.
  • Piliin ang “Partner Merchants”.
  • Piliin ang 7-Eleven (barcode) at pindutin ang “Mag-desposit na!”.
  • I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
  • Hintaying lumabas ang barcode.
  • Ipakita ang barcode sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
  • Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
  • Success!
Withdrawals

1. Saan ako pwedeng mag-withdraw galing sa RCBC DiskarTech account ko?

Maaari kang bumisita sa mga branch ng Bayad Center para mag-withdraw mula sa iyong RCBC DiskarTech account o sa mga ATM ng RCBC gamit ang cardless withdrawal.

2. May kailangan ba akong dalhin ‘pag nag-withdraw ako sa partners niyo?

Magdala ng isang valid ID at maaaring i-verify ka ulit ng partners namin kapag first time mo mag-withdraw sa kanila.

3. Paano mag-withdraw ng pera galing sa RCBC DiskarTech account ko?

Madali lang magwithdraw!  Sundan lang ang mga step na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Withdraw”.
  • Piliin ang partner channel kung saan ka magwi-withdraw.
  • I-enter ang amount na gustong i-withdraw at pindutin ang “Susunod”.
  • Pagdating sa payout partner, sabihin sa cashier na gusto mong mag-cash out mula sa iyong RCBC DiskarTech account.
  • Ipakita ang reference number sa cashier at i-claim ang pera.
  • Success!

4. Ano ang cardless ATM withdrawal?

Ang cardless ATM withdrawal ay isang feature ng RCBC DiskarTech app that allows users to withdraw cash mula sa savings account nila gamit ang more than 1,500 RCBC ATMs nationwide. Hindi na kailangan ng ATM card para mag-withdraw.

5. Paano mag-cardless ATM withdrawal?

Sundan lang ang steps na ito para mag-withdraw sa RCBC DiskarTech savings account mo. Pwede ring gamitin ang cardless ATM withdrawal para magpadala ng pera sa ibang tao. 

Para mag-withdraw sa sarili mong account:

  • Pindutin ang “Withdraw”.
  • Pindutin ang “Cardless ATM Withdrawal”.
  • Piliin kung magkano ang gustong i-withdraw.
  • I-enter ang one-time password (OTP) na ite-text ng RCBC DiskarTech App sa registered mobile number mo.
  • Ipapakita sa app screen ang iyong reference number.
  • Hintayin ang text galing sa RCBC na may bagong OTP.
  • Pumunta sa isang RCBC ATM.
  • Pindutin ang Enter/Accept sa RCBC ATM at i-input ang reference number at natanggap na bagong OTP para ma-withdraw ang pera mo.

Para magpadala ng pera na kukunin gamit ang cardless ATM withdrawal:

  • Pindutin ang “Transfer”.
  • Pindutin ang “via Cardless ATM Withdrawal”.
  • Piliin kung magkano ang gustong ipadalang pera.
  • Ilagay ang details ng taong gusto mong padalhan.
  • I-enter ang OTP na ite-text ng RCBC DiskarTech App sa registered mobile number mo.
  • Makakatanggap ng text galing RCBC na may reference number at OTP ang taong pinadalhan ng pera.
  • Kailangan lang pumunta ng taong pinadalhan ng pera sa isang RCBC ATM at i-enter ang natanggap na reference number at OTP para ma-withdraw ang pera.

6. Anong ATM ang pwede kong gamitin for cardless withdrawal?

Pwedeng gamitin para sa cardless ATM withdrawal ang alinman sa 1,500 ATMs ng RCBC nationwide.

7. Gaano katagal valid ang reference number para sa cardless ATM withdrawal?

Valid ito for up to 15 minutes kung ikaw ang gagawa ng cardless ATM withdrawal at up to 3 days naman kung ang recipient mo ang gagawa ng cardless ATM withdrawal.

8. Paano kung ‘di nagawa ang cardless ATM withdrawal?

Automatic na mag-e-expire ang cardless ATM withdrawals after 15 minutes kapag hindi na-withdraw ang pera at maki-credit ulit ang value nito sa account mo.

Pwede ring i-cancel ang transaction. Pumunta lang sa Settings at pindutin ang “Pending Withdrawal” at i-click ang “Cancel Transaction”.

Remittance

1. Paano mag receive ng remittance gamit ang RCBC DiskarTech?

Maaaring mag claim ng remittance gamit ang RCBC DiskarTech with our partner remittance reference number. Maaari lamang mag claim ng remittance ang fully verified RCBC DiskarTech users within the app.

2. Accredited Remittance Partners

  • JapanRemit
  • Remitly
  • Ayannah
  • Instant Cash

3. Ano ang kailangan para mag claim ng remittance?

  • Piliin ang Remittance icon sa RCBC DiskarTech app
  • Piliin sa listahan ang accredited partner remittance
  • Ilagay ang Reference Number mula sa sender
  • Ilagay ang required information
  • Ilagay ang OTP para i-confirm ang transaction at para i-claim ang iyong remittance

4. May bayad ba ang pag claim ng remittance sa RCBC DiskarTech app?

Walang additional fees sa pag claim ng remittance via RCBC DiskarTech app

DiskarTech Rewards

Diskarteng Tipid ba ang hanap mo? Sagot na ‘yan ng FindShare!

I-follow lang ang mga steps na ito:

1. Mag-login sa iyong RCBC DiskarTech Account.

2. I-click ang Rewards Icon.

3. Pumili ng merchant. Makikita sa bawat store ang cashback o discount offers.

4. Basahin ang Terms and Conditions at pindutin ang “Shop Now”.

5. I-click ang “Proceed To Shop” para siguradong ma-avail ang cashback o discount.

Shop na sa aming partner merchants para makakuha ng cashbacks o discounts! Marami pang pagpipilian. ‘Yun oh!

Click here to learn more

Telemedicine

1. Ano ang telemedicine?

Ang telemedicine ay ang pag-consult sa isang medical professional o paghingi ng iba pang medical services gamit ang telepono, text, email at iba pang communications technology habang nasa magkaibang lugar ang pasyente at ang doktor.

2. Anong telemedicine services ang meron sa RCBC DiskarTech app?

Gamit ang RCBC DiskarTech App, pwedeng bumili ng telemedicine product na ino-offer ng healthcare provider na iDoc. May kasamang non-emergency telehealth consultations, medicine prescription, referrals, at iba pang medical services ang telemedicine product na ‘to. For more information, pumunta sa website ng iDoc.

3. Paano mag-avail ng telemedicine services sa RCBC DiskarTech app?

Pindutin ang “Telemedicine” sa RCBC DiskarTech App at sundan ang steps na ‘to:

  • Piliin ang healthcare package na gusto mong bilhin.
  • Basahin ang description ng product at disclaimer.
  • I-confirm ang purchase.
  • I-enter ang OTP na sinend sa mobile number mo.
  • Tandaan ang lalabas na iDoc code.
  • Pindutin ang link papunta sa iDoc website at mag-sign up doon.
  • Tatawag ang iDoc para i-confirm ang purchase at hingin ang iDoc code mo.
  • Pwede ka nang mag-avail ng services ng iDoc.

4. Produkto ba ng RCBC DiskarTech ang telemedicine services sa app?

Ang telemedicine services sa RCBC DiskarTech App ay produkto ng iDoc. Maaari lang ito mabili gamit ang RCBC DiskarTech App.

5. Sa RCBC DiskarTech ba ako tatawag para sa telemedicine consultations?

Para sa actual na telemedicine consultations at iba pang medical services, pwedeng tawagan ang iDoc sa 8577-1858 or 0917-5771288.