Kailangan ng tulong? Magtanong

List of DiskarTech FAQs

Tignan ang mga usually tinatanong na topic.
Community BDA
Remittance
DiskarTech Rewards
Telemedicine
Telekonsulta
PESONet
InstaPay
General Questions
Registration and Verification
Loans Marketplace
Savings
Deposits
Community BDA

ANO ANG DALAWANG URI NG BASIC DEPOSIT ACCOUNT (BDA) SA DISKARTECH?

  1. FULL BASIC DEPOSIT ACCOUNT

Ito ay Basic Deposit Account na ginamitan ng primary government-issued ID at na-fully verified sa eKYC.  Ito ay may account limit na Php 50,000 at maaaring gamitin ang lahat ng features ng DiskarTech.  Kikita rin ng 6.5% interes kada taon ang savings.

  1. COMMUNITY BASIC DEPOSIT ACCOUNT

Ito ay ang dating Basic Deposit Account na tinuturing na “restricted” dahil Secondary ID lamang ang ginamit sa eKYC.

Ang Community BDA ay may aggregate account balance limit na Php 10,000 (mula sa Php 5,000 dati) na ang ibig sabihin ay hindi dapat lalampas sa Php 10,000 ang total cash in transactions (deposit, inward fund transfer, claiming of remittance, crediting of missions incentives) at di rin dapat lumampas sa Php 10,000 ang total cash out transactions (withdrawal; outward fund transfer; bills payment; buy load, telemedicine o insurance) kada buwan. Magrereset ang aggregate limit kada buwan.  

Sa Community BDA, maaaring magamit ang lahat ng features ng DiskarTech except ang Loans Marketplace, DiskarTech Loans at Credit Score.  Pwede ring kumita ang savings ng 6.5% interes kada taon. 

ANO ANG MANGYAYARI SA MGA EXISTING ACCOUNTS NA TINUTURING NA HINDI FULL BASIC DEPOSIT ACCOUNT O  YUNG TINATAWAG NA “RESTRICTED” SA SYSTEM NG DISKARTECH DAHIL SA PAGLABAS NG BAGONG COMMUNITY BDA?

Ang lahat ng hindi Full Basic Deposit Account o yung mga tinuturing na “restricted” accounts sa system ng DiskarTech ay automatically malelevel up to Community BDA.  Mula sa limit na Php 5,000, mae-enjoy na ngayon ang mas mataas na aggregated limit na Php 10,000 kada buwan, ang paggamit ng halos lahat ng features at kikita na ang savings ng 6.5% interes kada taon..  

MAYROON AKONG PHP 10,001 SA AKING ACCOUNT AT HINDI KO MA-CASH OUT ANG NATITIRANG PISO DAHIL MONTHLY AGGREGATE LIMIT NA Php 10,000.  ANO ANG DAPAT GAWIN?

Patience is a virtue ika nga. Pwede kang maghintay ng susunod na buwan para mawithdraw ang remaining P1 balance mo dahil back to zero every month ang cash out limit. 

MAAARI BANG MAGING FULL BASIC DEPOSIT ACCOUNT ANG COMMUNITY BDA

Yes. Maaaring lumevel up to a Full Basic Deposit Account ang Community BDA kung magsusumite ng valid government-issued Primary ID para magkaroon ng full verification ang account. 

ANU-ANO ANG MGA ACCEPTABLE IDs PARA SA DALAWANG URI NG BASIC DEPOSIT ACCOUNT SA DISKARTECH?

*Ang mga gagamit ng Primary ID sa pagrehistro sa DiskarTech ay automatic na may Community BDA habang hinihintay na mafully-verified ang kanilang account sa loob ng 24 oras.

Remittance
  1. Paano mag receive ng remittance gamit ang RCBC DiskarTech?

    Maaaring mag claim ng remittance gamit ang RCBC DiskarTech with our partner remittance reference number. Maaari lamang mag claim ng remittance ang fully verified RCBC DiskarTech users within the app.

  2. Accredited Remittance Partners

    ● JapanRemit
    ● Remitly
    ● Ayannah
    ● Instant Cash


  3. Ano ang kailangan para mag claim ng remittance?

    3.1. Piliin ang Remittance icon sa RCBC DiskarTech app
    3.2. Piliin sa listahan ang accredited partner remittance
    3.3. Ilagay ang Reference Number mula sa sender
    3.4. Ilagay ang required information
    3.5. Ilagay ang OTP para i-confirm ang transaction at para i-claim ang iyong remittance



  4. May bayad ba ang pag claim ng remittance sa RCBC DiskarTech app?

    Walang additional fees sa pag claim ng remittance via RCBC DiskarTech app
DiskarTech Rewards

Diskarteng Tipid ba ang hanap mo? Sagot na ‘yan ng FindShare!

I-follow lang ang mga steps na ito:

1. Mag-login sa iyong RCBC DiskarTech Account.

2. I-click ang Rewards Icon.

3. Pumili ng merchant. Makikita sa bawat store ang cashback o discount offers.

4. Basahin ang Terms and Conditions at pindutin ang “Shop Now”.

5. I-click ang “Proceed To Shop” para siguradong ma-avail ang cashback o discount.

Shop na sa aming partner merchants para makakuha ng cashbacks o discounts! Marami pang pagpipilian. ‘Yun oh!

Click here to learn more

Telemedicine

1. Ano ang telemedicine?

Ang telemedicine ay ang pag-consult sa isang medical professional o paghingi ng iba pang medical services gamit ang telepono, text, email at iba pang communications technology habang nasa magkaibang lugar ang pasyente at ang doktor.

2. Anong telemedicine services ang meron sa RCBC DiskarTech app?

Gamit ang RCBC DiskarTech App, pwedeng bumili ng telemedicine product na ino-offer ng healthcare provider na iDoc. May kasamang non-emergency telehealth consultations, medicine prescription, referrals, at iba pang medical services ang telemedicine product na ‘to. For more information, pumunta sa website ng iDoc.

3. Paano mag-avail ng telemedicine services sa RCBC DiskarTech app?

Pindutin ang “Telemedicine” sa RCBC DiskarTech App at sundan ang steps na ‘to:

  • Piliin ang healthcare package na gusto mong bilhin.
  • Basahin ang description ng product at disclaimer.
  • I-confirm ang purchase.
  • I-enter ang OTP na sinend sa mobile number mo.
  • Tandaan ang lalabas na iDoc code.
  • Pindutin ang link papunta sa iDoc website at mag-sign up doon.
  • Tatawag ang iDoc para i-confirm ang purchase at hingin ang iDoc code mo.
  • Pwede ka nang mag-avail ng services ng iDoc.

4. Produkto ba ng RCBC DiskarTech ang telemedicine services sa app?

Ang telemedicine services sa RCBC DiskarTech App ay produkto ng iDoc. Maaari lang ito mabili gamit ang RCBC DiskarTech App.

5. Sa RCBC DiskarTech ba ako tatawag para sa telemedicine consultations?

Para sa actual na telemedicine consultations at iba pang medical services, pwedeng tawagan ang iDoc sa 8577-1858 or 0917-5771288.

Telekonsulta

1. Ano ang RCBC DiskarTech Telekonsulta Unli?

Ito ay consultation sa isang medical doctor na pwedeng gawin anywhere you are, 24/7. Hindi mo na kailangang pumila sa clinic o hospital para magpa-check-up.

2. Magkano ito?

Ito ay Php50.00 kada buwan, o kaya naman o P150 quarterly.

3. Ano ang coverage nito?

Ang iyong free telekonsulta month ay may may unlimited consultation kay doc via video, call and text. May access din to electronic prescriptions, medical certificates and laboratory requests.

4. Pwede ko bang bilhan ang kilala ko?

Good news! You can buy up to 5 telekonsulta for your family at P25 monthly per subscription. Kasal, live-in o kahit same-sex relationship – basta mahal mo, pwede mong bilhan!

PESONet

a. What is PESONet?

A batch electronic fund transfer (EFT) service that enables high value, non-time sensitive funds transfer to any participating Banks and BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs)

b. Is there a cut-off for PESONet transactions?

There’s a daily cut-off of 2PM for same day transmittal to the receiving bank. Transactions done after cut-off, on holidays or weekends will be processed for transmission to the receiving bank on the next banking day.

c. When will my PESONet transaction be credited to my beneficiary?

Funds will be credited within the day if transacted prior the 2PM cut-off. Crediting time may vary depending on RCBC and/or the beneficiary bank’s batch processing time and validation.

d. What happens if my PESONet transaction is not successful? Will the money be returned to me?

The beneficiary Bank/BSFI may experience problem during crediting of funds if

(a) the account details provided are incorrect (i.e. wrong or invalid account number) or

(b) if the beneficiary account has restrictions. Should this occur, the funds shall be credited back to your account excluding the P10 service fee. In case you accidentally provide the wrong account number, a request for recovery will be on a best effort basis subject to accountholder’s consent as well as the beneficiary institution’s internal policies on recovery. These will take into consideration:

(1) availability of credited funds;

(2) beneficiary accountholder’s consent to be debited; and

(3) turnaround time.

InstaPay

a. What is InstaPay?

A real-time, low-value, electronic payment or credit transfer to other banks. It follows a clear-before-settle arrangement to allow instant confirmation of transaction.

b. Is there a limit to the number of times I can send an InstaPay transaction?

None, but you can only transfer up to P50,000 per transaction or total of P499,999.99 per day.

c. What will I do when my account was debited but an error occured upon sending my InstaPay transaction?

RCBC Online Banking will automatically debit your source account first before pushing this to the receiving account given the clear-before-settle arrangement. if there was an error encountered, depending on the error result, the amount will be automatically reversed and credited back to your account along with the transaction fee. In other cases, reconciliation or reversal will be done on next banking day. You may also check the beneficiary account if the amount was credited since it is possible that transfer successfully pushed through with no confirmation of successful credit from the receiving bank.

General Questions

1. What’s RCBC DiskarTech? Anong magagawa ko rito?

Ang RCBC DiskarTech ay ang unang Taglish super app sa bansa. Isa itong all-in-one super app kung saan pwede kang magbukas ng savings account, mag-deposit at mag-withdraw ng pera sa mga partner channels tulad ng 7-Eleven at Bayad Center, mag-ipon ng pera, mag-transfer ng pera sa ibang ma-DiskarTech, magbayad ng bills, at bumili ng load pati telemedicine products! Abangan ang iba pang exciting features na coming soon na!

2. Pwede ba ako diyan?

As long as pasok ka sa mga criteria na ito, pwede kang gumamit ng RCBC DiskarTech!

  • 18 years old and above
  • Filipino
  • Non-US person (Hindi US resident o citizen)

3. Ano ang gagawin kung nakalimutan ang passcode ko?

Pwede kang gumawa ng bagong passcode. Sundan lang ang steps na ito:

  • Pindutin ang “Nakalimutan ang password?” sa log-in screen ng RCBC DiskarTech.
  • I-enter ang nickname o username mo.
  • Pindutin ang “Mag-send ng OTP sa mobile number.”
  • Pansinin ang lalabas na digits ng cellphone number na padadalhan ng OTP. Kung iba ito sa registered number mo ay maaaring mali ang nickname o username na inilagay. Tandaan na case sensitive ito at dapat tama ang gamit ng small at capital letters.
  • Maglagay ng bagong passcode at i-confirm ito.
  • I-enter ang one-time password na pinadala sa iyong mobile number. · Bago na ang passcode mo!

4. Gaano kadalas kailangang magpalit ng passcode?

Automatic na mage-expire kada buwan ang passcode mo at hihingan ka ng app ng kapalit nito. Hindi pwedeng ulitin ang passcode mo para sa iyong sariling security.

Pagkatapos ay i-activate o muling i-on ang paggamit ng finger scan o face ID para sa pag-log in.

Huwag ibigay ang passcode mo kahit kanino. Hinding hindi hihingin ng isang RCBC DiskarTech representative ang passcode o OTP mo.

5. Ano ang gagawin kung nakalimutan ang passcode ko?

Pwede kang gumawa ng bagong passcode. Sundan lang ang steps na ito:

  • Pindutin ang “Nakalimutan ang passcode/username?” sa log-in screen ng RCBC DiskarTech.
  • I-enter ang hinihinging information tungkol sa account at pindutin ang “I-reset ang passcode ko.”
  • Pumili kung saan ipapadala ang one-time password at i-type ito pagkatanggap.
  • Maglagay ng bagong passcode at i-confirm ito. Bago na ang passcode mo!

6. Pwede bang palitan ang passcode kahit hindi nakalimutan ito?
Oo naman. Narito ang steps para dito:

Pumunta sa Account, pindutin ang Settings at hanapin ang Change Passcode.

I-confirm lang ang current passcode at magbigay ng bagong passcode. At i-confirm naman ang bagong passcode para matapos. Siguruhing tama ang mga ilalagay na detalye.

7. Ano ang gagawin ko kung nakalimutan ko ang username o nickname ko?

Para ma-retrieve ang nickname o username, sundan lang ang steps na ito:

  • Sa log-in screen, pindutin ang “Nakalimutan ang password/nickname?”
  • Ibigay ang hinihinging information (mobile number, buong pangalan, at date of birth).
  • Piliin ang “I-retrieve ang username ko.”
  • I-enter ang matatanggap na one-time password.
  • At hintaying i-text ang nickname o username.
  • Para naman palitan ang nickname o username, sundan ang steps na ito:
  • Pumunta sa “Account,” piliin ang “Settings” at pindutin ang “Change username.“
  • Maglagay ng bagong nickname o username.
  • I-enter ang matatanggap na one-time password.

8. Ano ang gagawin kung na-block ang account ko?

Para ma-access muli ang iyong account, sundan lang ang steps na ito:

  • Pindutin ang ‘Nakalimutan ang passcode.’
  • Ilagay ang iyong full name, mobile number at birthday.
  • Gumawa ng bagong passcode.
  • Ilagay ang iyong one-time password (OTP) na ise-send sa mobile number na gamit ng app mo. Tandaan: ‘Wag na ‘wag ibibigay sa kahit sino ang iyong OTP!
  • Gamitin ang bagong password at dumiskarte nang walang hadlang.

9. Paano i-on ang in-app notifications?

Ang in-app notifications ay para makatanggap ang users ng latest news and updates tungkol sa RCBC DiskarTech. Sakaling hindi gusto na maka-receive nito, pumunta lang sa “Account”, piliin ang “Settings” at i-on ang “Notifications.”

10. Paano magkaroon ng access sa DiskarTech savings account?

Ang DiskarTech ay isang mobile app kung saan ang mga customer ay makakapagbukas ng isang DiskarTech savings account. Ang pag-access sa nasabing savings account ay ginagawa lamang sa pamamagitan ng DiskarTech App. Dahil dito, ang DiskarTech bank account at ang pag-access dito sa pamamagitan ng DiskarTech App ay iisa at pareho.

11. Pwede ko ba matanggal ang aking account sa DiskarTech?

Ang pag-delete ng iyong account upang matanggal ang iyong personal na data ay hindi magiging posible sa DiskarTech App, dahil sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP). Ito ay batay sa pagpapanatili ng mga detalye ng account. Ibig sabihin, dapat panatilihin ng mga bangko ang data ng customer na nauugnay sa isang bank account bilang mga record (parehong personal na impormasyong ginamit upang magbukas ng bank account at mga transactional/balance record).

Registration and Verification

Simple lang ang pagbukas ng RCBC DiskarTech account. Sundin lang ang steps na ito:

  • I-download ang app at piliin ang “Mag-register na.”
  • Basahin at mag-agree sa Terms & Conditions, and Data & Personalization options.
  • Magbigay ng username na gusto gamitin.
  • I-enter ang NegosyanTech invite code, kung ni-refer ka sa app.
  • Ibigay ang mobile number at hintayin ang One-time Password na i-sesend sa’yo.
  • I-input ang 4-digit passcode na gusto mong gamitin para ma-access ang App. Pwede mo ring i-activate ang biometrics kung gusto mo.
  • I-fill-out ng personal details ang mga tanong.
  • Mag-submit ng ID sa pamamagitan ng pagpicture nito. Pagkatapos nito, kumuha rin ng selfie.
  • Hintayin ang result ng verification!

2. Anong klaseng account ang mabubuksan ko sa RCBC DiskarTech?

Sa RCBC DiskarTech, isang savings account na Basic Deposit Account (BDA) ang iyong mabubuksan.

Restricted BDA:

  • Ilang minuto matapos ang verification mo, makakatanggap ka ng text na maaari mo nang magamit ang ilang features ng RCBC DiskarTech. Ang mga features na ito ay:
  • Cash-in and incoming transfers
  • Buy load / e-pins
  • Bills payment
  • Telemedicine

Full BDA:

Matapos ang maximum of 24 hours since ikaw ay nagpa-verify, makakatanggap ka ng text na fully verified na ang iyong account.

Kung ikaw ay nag-submit ng Primary ID, maaari mo na ring gamitin ang ibang features ng RCBC DiskarTech tulad ng:

  • Withdrawals
  • Transfers
  • Insurance
  • Mission
  • Loans
  • Interest sa account na 6.5% p.a.

Kung ikaw ay nag-submit ng Secondary ID, maaari mo paring gamitin ang mga features ng restricted account.  Para ma-upgrade sa full account, mag-submit lang ng Primary ID.  Kailangan ring mag-submit ng Primary ID within 12 months ng pagkabukas ng iyong restricted account.

3. Anong ID ang pwedeng gamitin sa verification ng RCBC DiskarTech?

Ito ang list of IDs na maari mong gamitin:

PRIMARY IDs:

1. Passport

2. Driver’s License

3. National ID

4. UMID ID

5. SSS ID

6. Postal ID (issued 2016 onwards)

7. PRC ID

8. Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID)

9. Seaman’s book

10. Firearm’s License

11. NBI Clearance

12. Quezon City ID

SECONDARY IDs:

1. School ID

2. Government Services and Insurance System (GSIS) e-card

3. Senior Citizen Card

4. Philhealth Card

5. PWD ID Card

6. Company ID

7. Government Office ID

Ihanda ang original na ID at siguruhing nasa maayos na condition ito. Hindi tatanggapin ng system ng RCBC DiskarTech ang damaged na ID. Hindi rin pwede ang photocopy lang ng ID (black and white man ito o colored) o digital copy (kukunan sa screen ng computer o iba pang gadget).

4. Ano ang Restricted account?

Restricted ang account mo kapag secondary ID ang iyong ginamit sa account verification. Maaari mo rin i-upgrade ang iyong account. Mag submit lang ng 1 primary ID para ma-lift ang restrictions ng iyong BDA.

5. Pwede pa rin ba gumamit ng RCBC DiskarTech kahit restricted?

Yes, pero limited. Available ang mga sumusunod kapag restricted account: Deposit and transfer from other banks (up to balance limit of Php 5,000), Buy Load/ePins, Bills Payment, at Telemedicine Purchase.

6. Hanggang magkano ang maximum deposit ng restricted BDA?

Ang maximum deposit for restricted account ay Php 5,000.00 lang.

7. Nag-earn din ba ng interest ang restricted BDA?

Hindi kumikita ng interest ang isang restricted BDA. Mag-upgrade ng account para ma-enjoy mo ang 6.5% interest ng RCBC DiskarTech.

8. Hanggang kalian pwede magsubmit ng ID kapag restricted?

Isang taon na pwedeng maging restricted ang isang account. Kapag hindi ito na-verify gamit ang 1 primary ID na hinihingi, ang RCBC DiskarTech account ay isasara after a year.

9. Sino ang pwedeng gumawa ng Basic Deposit Account sa RCBC DiskarTech gamit ang verification?

Kung ikaw ay Filipino na at least 18 years at hindi residente ng Estados Unidos ay pwede kang gumawa ng Basic Deposit Account sa RCBC DiskarTech gamit ang verification.

Dapat ay wala ka ring existing RCBC DiskarTech account. One account per person pa lamang sa ngayon ang RCBC DiskarTech.

10. Ano ang pwedeng gawing username o nickname?

Dapat unique o walang katulad ang gagamiting username o nickname. Para masigurong iba ito sa mga nauna nang gumawa ng RCBC DiskarTech account, pwedeng samahan ng mga letra, ng mga numero at iba pang special characters.

11. Ano ang dapat ilagay sa account information?

Tapat na punan ang hinihinging information. Dapat tugma ito sa isa-submit na ID sa susunod na step ng verification. Kung “Ma.” ang nasa ID, ganoon din dapat ang spelling sa pag-input at hindi “Ma” o “Maria”. Kung may “Jr.” naman ang nasa ID, hindi pwede ang “JR” “Junior”. Eksakto dapat para mag-match sa system ng RCBC DiskarTech. Ganoon din dapat sa address, birth date, at iba pang information na nasa ID mo.

12. Paano kung hindi ko alam ang postal code ng bahay namin?

Pwedeng malaman ang postal code mo sa webpage na ito ng Philippine Post Office: https://www.phlpost.gov.ph/assets/files/archive/ZipCode%202019.pdf

13. May tamang paraan ba sa pagkuha ng picture ng ID?

Sundin ang mga payong ito para tuluy-tuloy ang verification sa RCBC DiskarTech:

  • Siguruhing maliwanag kung saan gagawin ang pagkuha ng picture.
  • Kita dapat ang buong ID at pasok sa frame ang apat na kanto nito. Hintaying umilaw ang mga gilid ng frame.
  • Kailangang malayo ang kulay ng ID sa kung saan ito ipapatong.
  • Hindi dapat blurred ang kuha.
  • Dapat walang glare o reflection at anino sa picture para walang bahagi na hindi kita.

14. Pwede bang laktawan ang video selfie?

Hindi pwede. Mahalagang bahagi ng verification ang video selfie.

15. May tamang paraan ba sa pagkuha ng video selfie?

Sunding mabuti ang instructions na lalabas sa screen. Sakaling hindi mag-launch ang video selfie. Subukang i-close ang ibang apps na gumagamit ng camera. Makakatulong din kung gagawin ang mga payong ito:

  • Siguruhing maliwanag kung saan gagawin ang pagkuha ng video selfie.
  • Mismong ang user ang dapat kumuha ng video selfie. Hindi pwede ang picture lamang o image sa screen.
  • Hindi dapat putol ang mukha sa frame ng video.
  • Iwasan matakpan ng glare o anino ang anumang bahagi ng mukha.
  • Maaaring magsuot ng dark na damit para maging mas malinaw ang video selfie.

16. Paano malalaman ang account number ko?

Para makita ang account number, pindutin lang ang “Account” sa lower-right corner ng homepage.  Ang Account Number mo ay nasa taas at may 15 digits.

17. Ano ang “Verification” sa RCBC DiskarTech?

Ang verification ay isang requirement ng Bangko Sentral ng Pilipinas para ma-establish ang pagkatao ng sinumang gustong gumawa ng transactions sa mga bangko at financial institutions na nire-regulate nito. I-verify ang account using one valid ID mula sa list of 17 IDs na pwedeng tanggapin sa RCBC DiskarTech.

18. Ano ang kaibahan ng RCBC DiskarTech verification sa tradisyonal na verification?

Digital ang verification sa RCBC DiskarTech. Hindi na kailangang pumila sa mga branch ng bangko. Wala na ding ifi-fill up na mga dokumento. Kailangan lang ng smartphone at stable na internet connection sa verification kaya tipid sa oras at pamasahe.

19. Gaano kabilis ang verification ng RCBC DiskarTech?

Dahil sa technology na gamit ng RCBC DiskarTech, ilang minuto lang ang verification basta’t tama at tugma ang lahat ng information na nilagay mo.

Loans Marketplace
  1. Ano ang Loans Marketplace?

Isa itong feature sa RCBC DiskarTech na kung saan pwede kang mag-apply ng kailangan mong loan sa mga partner loan providers o lenders ng RCBC DiskarTech.

2. Sino ang lenders ng loans marketplace?

Sa ngayon, ka-partner ng RCBC DiskarTech para sa loans marketplace ang Asialink Finance Corporation at Rizal MicroBank.

3. Sino ang pwedeng mag-avail ng loans gamit ang RCBC DiskarTech?

Lahat ng nag-download ng RCBC DiskarTech sa kanilang mobile phone at gumawa ng sariling basic deposit account, pwedeng mag-apply! Siguruhing verified ang inyong account at updated ang app.

4. Paano mag-apply ng loans sa RCBC DiskarTech?

Sundin lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech app.
  • Piliin ang “Loans” na option.
  • Piliin ang type ng loan na gusto mong apply-an.
  • I-input ang mga hinihinging impormasyon.
  • May makikitang listahan ng loan providers na ka-match ng iyong requirements at profile. Piliin sa listahan ang loan provider na swak sa kailangan mo, base sa approximate interest rate at monthly amortization.
  • Pagkapili ng gusto mong loan provider, lalabas ang iba pang impormasyon tungkol sa loan product na ina-applayan mo gaya ng eligibility criteria ng lender. Kumpirmasyon din ito ng iyong loan application. Sa parehong screen, pwede mo ring i-click ang “DiskarTech Terms and Conditions” para ma-review ang terms and conditions tungkol sa DiskarTech Loans Marketplace.
  • Punan ang dagdag na impormasyon na hinihingi.
  • I-upload ang mga hinihinging dokumento ng lender gaya ng ID, proof of income at iba pa.
  • I-submit ang loan application.
  • Lalabas sa screen ang confirmation na natanggap na ang iyong loan application at na naisubmit na ito sa loan provider.

5. Paano malalaman kung approved ang loans application ko?

Hintayin ang abiso mula sa mismong loan provider. Maaari ring mag-follow up sa kanila gamit ang reference number na nakuha sa application at sa mga sumusunod na contact details:

Asialink Finance Corporation

Contact No.: +63 2 8709-7777

Email Address: [email protected]

Website: www.asialinkfinance.com.ph

Rizal Microbank

Contact No: +63 2 8894-9000

Email Address: [email protected] Website: www.rizalmicrobank.com

6. Anu-ano ang loans na pwedeng i-avail?

Iba’t ibang loans ang pwedeng applyan. Gaya ng mga sumusunod:

  • Doctor’s Loan
  • Car Loan
  • Truck Loan
  • 2nd Hand Car Loan
  • 2nd Hand Truck Loan
  • PUV/Taxi Loan
  • Multicab Loan
  • Multicab Refinancing
  • Motorcycle Loan
  • Tricycle Loan
  • Housing Loan
  • Negosyo Loan
  • Crop Loan
  • Agri-Business Loan

7. Ilang loan products ang pwedeng apply-an?

Walang limit sa loan na pwedeng applyan. Pero hindi pwedeng mag-apply ng kaparehong loan product sa parehong lender within 30 days.

Savings

a. May minimum ba ‘yan? Baka naman hindi ko afford.

Relax ka lang. Hindi kailangang maglagay agad ng pera sa account mo – pero pwede rin kung gusto mo. Zero initial deposit ito! Hindi rin kailangang mag-iwan ng pera sa account mo.  Zero maintaining balance din ito!

b. Anong mangyayari sa pera ko sa RCBC DiskarTech? May interest ba ‘yan?

Oo, may interest ito. Ang interest na kikitain mo sa RCBC DiskarTech ay 6.5% p.a. Mas mataas ito kumpara sa standard interest ng ibang mga bangko na kadalasan ay less than 1% p.a. lang!

  • Kung ang balance ng iyong account ay PHP0.00 – PHP 49,700.00, kikita ka ng 6.50% interest
  • Kung ang balance ng iyong account ay PHP 49,700.01 pataas, hindi na ito magtatamo ng interest dahil ang total ng iyong ipon at interest ay pwede hanggang Php 50,000 lamang

c. May maximum deposit ba ‘yan?

Pwede kang magdeposit, magcash-in, claim remittance, claim rewards hanggang PHP 49,700.00.

Halimbawa, kung may laman na ang iyong account na PHP 49,500.00 at magca-cashin/deposit ng PHP300, ang projected BDA ay PHP49,800. Ang resulta nito ay FAILED.

d. Bangko ba ang RCBC DiskarTech?

Ang RCBC DiskarTech accounts ay Basic Deposit Accounts (BDA) ng RCBC.  Dahil diyan, ang pera na nilalagay mo sa DiskarTech ay naka-deposit sa RCBC.

e. So, may PDIC insurance na ‘yan?

Oo naman. Dahil RCBC account, may PDIC insurance ito.

Deposits

a. Kung ang RCBC DiskarTech accounts ay deposit accounts rin ng RCBC, pwede ba ako mag-deposit sa RCBC branches? 

Hindi, iba kasi ang RCBC DiskarTech sa regular RCBC products. Pero don’t worry dahil maraming partners ang RCBC DiskarTech kung saan pwedeng mag-deposit sa iyong DiskarTech account.  Makikita mo sa app kung saan-saan pwede pero pinakakilala dito ang Bayad Center, 7-Eleven, at iba’t ibang pawnshops.

b. Magkano ang pwedeng i-deposit sa bawat transaction?

May minimum deposit amount na PHP 200.00 at maximum deposit account na PHP 25,000.00 kada transaction ang savings account mo.

Ang 7-Eleven ay mayroon namang maximum deposit limit na P10,000 kada araw kapag nag-cash in sa kanila gamit ang CLiQQ kiosk.

c. Gaano kadalas pwedeng mag-deposit sa RCBC DiskarTech?

Hanggang dalawang deposit transactions lang ang pwede kada araw at kailangang maghintay ng 15 minutes bago ang pangalawang deposit transaction.

Hindi rin pwedeng mag-deposit mula 9:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. sa susunod na araw.

d. Saan pwedeng mag-cash in para sa RCBC DiskarTech?

Pwedeng mag-cash in sa mga sumusunod sa establishment:

  • 7-Eleven
  • Bayad Center
  • CVM Pawnshop
  • Card Bank
  • Cebuana Lhuillier
  • Digipay
  • eBiz
  • ECPay Merchants
  • ExpressPay
  • FS De Lepn Pawnshop & Jewelries
  • Gaisano
  • Guagua Rural Bank
  • H Lhuillier Pawnshop
  • NCCC Supermarket
  • Optimum Exchange Remit
  • Panalo Express
  • Pay&Go
  • Perahub
  • Prince Warehouse Inc.
  • Producers Bank
  • Sendah Direct
  • Sinag Pawnshop
  • Tambunting Pawnshop

e. Paano mag-deposit ng pera sa RCBC DiskarTech account?

Madali lang mag-deposit!  Sundan lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Deposit”
  • Pumili ng cash-in method kung saan magde-deposit.
  • I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
  • Hintayin ang lalabas na reference number. Tandaan, 30 minutes lang valid ang reference number na ‘to.
  • Ipakita ang reference number sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
  • Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
  • Success!

f. Wala sa list ng partners ang ECPay merchant ko.

Pindutin lang ang icon for “ECPay” at mag-generate ng deposit reference number.

g. Paano mag-deposit ng pera sa RCBC DiskarTech account gamit ang 7-Eleven barcode?

Madali lang mag-deposit! Sundan lang ang steps na ito:

  • Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
  • Pindutin ang “Deposit”.
  • Piliin ang “Partner Merchants”.
  • Piliin ang 7-Eleven (barcode) at pindutin ang “Mag-desposit na!”.
  • I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
  • Hintaying lumabas ang barcode.
  • Ipakita ang barcode sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
  • Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
  • Success!