1. Kung ang RCBC DiskarTech accounts ay deposit accounts rin ng RCBC, pwede ba ako mag-deposit sa RCBC branches?
Hindi, iba kasi ang RCBC DiskarTech sa regular RCBC products. Pero don’t worry dahil maraming partners ang RCBC DiskarTech kung saan pwedeng mag-deposit sa iyong DiskarTech account. Makikita mo sa app kung saan-saan pwede pero pinakakilala dito ang Bayad Center, 7-Eleven, at iba’t ibang pawnshops.
2. Magkano ang pwedeng i-deposit sa bawat transaction?
May minimum deposit amount na PHP 200.00 at maximum deposit account na PHP 25,000.00 kada transaction ang savings account mo.
Ang 7-Eleven ay mayroon namang maximum deposit limit na P10,000 kada araw kapag nag-cash in sa kanila gamit ang CLiQQ kiosk.
3. Gaano kadalas pwedeng mag-deposit sa RCBC DiskarTech?
Hanggang dalawang deposit transactions lang ang pwede kada araw at kailangang maghintay ng 15 minutes bago ang pangalawang deposit transaction.
Hindi rin pwedeng mag-deposit mula 9:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. sa susunod na araw.
4. Saan pwedeng mag-cash in para sa RCBC DiskarTech?
Pwedeng mag-cash in sa mga sumusunod sa establishment:
- 7-Eleven
- Bayad Center
- CVM Pawnshop
- Card Bank
- Cebuana Lhuillier
- Digipay
- eBiz
- ECPay Merchants*
- ExpressPay
- FS De Lepn Pawnshop & Jewelries
- Gaisano
- Guagua Rural Bank
- H Lhuillier Pawnshop
- NCCC Supermarket
- Optimum Exchange Remit
- Panalo Express
- Pay&Go
- Perahub
- Prince Warehouse Inc.
- Producers Bank
- Sendah Direct
- Sinag Pawnshop
- Tambunting Pawnshop
*Available in selected outlets only. Click here.
5. Paano mag-deposit ng pera sa RCBC DiskarTech account?
Madali lang mag-deposit! Sundan lang ang steps na ito:
- Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
- Pindutin ang “Deposit”
- Pumili ng cash-in method kung saan magde-deposit.
- I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
- Hintayin ang lalabas na reference number. Tandaan, 30 minutes lang valid ang reference number na ‘to.
- Ipakita ang reference number sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
- Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
- Success!
6. Wala sa list ng partners ang ECPay merchant ko.
Pindutin lang ang icon for “ECPay” at mag-generate ng deposit reference number.
7. Paano mag-deposit ng pera sa RCBC DiskarTech account gamit ang 7-Eleven barcode?
Madali lang mag-deposit! Sundan lang ang steps na ito:
- Mag-log in sa RCBC DiskarTech App.
- Pindutin ang “Deposit”.
- Piliin ang “Partner Merchants”.
- Piliin ang 7-Eleven (barcode) at pindutin ang “Mag-desposit na!”.
- I-enter ang amount na gustong i-deposit at pindutin ang “Susunod”.
- Hintaying lumabas ang barcode.
- Ipakita ang barcode sa cashier at ibigay ang perang ide-deposit.
- Hintayin ang confirmation na na-process na ang iyong deposit.
- Success!