Insurance

1. Paano ako makakabili ng Insurance?

I-tap lang ang Insurance icon at piliin ang gusto mong bilhin na produkto. I-tap ang napili at ilagay ang iyong trabaho, pangalan, at relasyon sa iyong beneficiary. Pagkatapos ay i-enter ang matatanggap na OTP.

2. Sino ang magbibigay sa akin ng insurance? Ang RCBC DiskarTech ba?

Hindi ang RCBC DiskarTech ang magbibigay sa’yo ng insurance, lahat ito ay binibili at manggagaling sa Malayan Insurance Co. at Sun Life Grepa Financial Inc.

3. Anong klaseng insurance products ang meron?

Merong iba’t-ibang insurance products ang RCBC DiskarTech App na nanggagaling sa Malayan Insurance Co. at Sun Life Grepa Financial Inc.:

Sun Life Grepa Life Insurance:

  • My Income Protect Plus
  • My Family Life Shield (Family Coverage)
  • My Scholar Plus
  • My Personal Life Shield

Malayan Non-Life Insurance:

  • Commuter PA
  • Ridesafe 20K
  • Ridesafe 50K
  • Super PA
  • Dengue Cash
  • SARISARI STORE Insurance
  • PANPROTECT 130
  • PANPROTECT SENIOR 195
  • PANPROTECT 600
  • PANPROTECT SENIOR 900

4. Kailan dadating ang Certificate of Coverage (COC) ko?

Ipapadala ito sa email mo sa loob ng three to five business days.

5. Saan mahahanap ang COC number ko?

Makikita ito sa tab na “Availed products” ng RCBC DiskarTech app. Piliin lamang ang nabiling insurance para makita ang COC number mo.

6. Sino ang mga pwedeng maging beneficiary ko?

Next of kin lang ang pwedeng maging beneficiary, ito ay iyong asawa, anak, o magulang.

7. Paano mag file ng claim?

Puntahan ang biniling policy sa DiskarTech app at i-click ang “File a claim” button para mapunta sa website ng Malayan at makapag-file ng claim. Pwede ring dumiretso sa website ng Malayan Insurance: https://www.malayanonline.com/makeaclaim

8. Pwede ba ako bumili ng maraming insurance para sa sarili ko?

Pwede ito sa lahat ng insurance products maliban sa Dengue Cash Assistance.

9. Pwede ba akong bumili ng insurance para sa iba?

Yes. Maari ka nang bumili ng insurance hindi lang para sarili mo pati na rin sa iyong mahal sa buhay. Kasal, live-in o kahit same-sex relationship – basta mahal mo, pwede mong bilhan!

10. Kailan mag-uumpisa ang coverage ko?

Mag-uumpisa ito ng 12:00 noon, kinabukasan ng pagbili mo ng insurance.